Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko ang gulat na rekasyon ni Vince. Pilit kong binabwi kay Tristan ang kamay ko pero ayaw niya talagang bitawan 'yon. Nang makabawi naman si Vince ay nakita ko ang seryosong mata niyang dumapo sa akin pagkatapos ay napatingin din kay Tritsan bago siya ngumisi kaya mas lalo akong kinabahan. "Wow," sabi niya at dahan-dahang pumalakpak. Napailing ako nang muling tumingin sa akin si Vince na para bang ang laki ng kasalanan ko kaya napaiwas ako ng tingin at napatingin ako kay Tristan na walang ekspresyon na makikita sa mga mata niya. "Let's go," muling sabi niya at umabante para makalabas na roon. Bahagya namang lumihis si Vince para makaraan kami roon at lakaing pasasalamat ko na sana dahil akala ko ay hindi na kami papansinin pa ni Vince pero muli s