"Hey!" bati ko kay Vince nang makalapit ako sa kaniya. Naroon pa rin ang ibang mga estudyante at halos hindi maalis ang tingin sa aming dalawa. Sigurado akong hindi ito makakalampas sa dalawa kong kaibigan kaya ihahanda ko na ang sarili ko para mamaya. Binuksan ni Vince ang likod ng sasakyan niya at nagulat ako nang may hawak na siyang bulaklak. Halos marinig ko ang ilang tilian at bulungan sa campus kaya hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha. "T-thanks," nahihiya kong sabi at muling luminga-linga sa paligid. Hinanap ko si Tristan pero wala na talaga siya roon kaya muli kong ibinaling ang tingin kay Vince. "Let's go?" nakangiting tanong niya. Nang tumango ako ay mabilis siyang umikot sa kabilang pintuan para pagbuksan ako. Tsaka ko lang din napansin na naroon pa pala si Vanessa at an