Hindi ko alam kung tutuloy ba ako o hindi. Pagkatapos kong umiyak at masabi na naman ng katangahan kay Tristan ay hindi ko na alam kung ay mukhang ihaharap pa ba ako sa kaniya. "Lets go, Cheska. May nakalimutan ka ba?" tanong sa akin ni Kuya Rafael nang makitang huminto ako. Nang makita ko ang sabay na paglingon sa akin ng dalawang kaibigan ay ngumiti ako ng tipid at umiling. Wala na akong magagawa ngayon at hindi ako pwedeng umatras dahil nakagayak na ako. "Sigurado akong maglalaway si Tristan sa kagandahan mo ngayon," malanding bulong sa akin ni Milan. Napairap ako at bahagya siyang siniko dahil baka marinig kami ni Kuya Rafael. Isa pa, hindi ako ang maganda sa paningin no'n kungg hindi si Francine! Sumunod kami kay Kuya Rafael sa labas at nakita kong may kotse sa labas at nasisigur