Nagising ako nang madilim na ang kwarto at patay na rin ang T.V. Gumaan na ang pakiramdam ko at wala na ang sakit ng ulo ko kaya bumangon ako. Wala na si Tristan sa tabi ko at hindi naman na ako nagtaka roon dahil hindi naman niya ako pwewdeng bantayan magdamag. Tumayo ako sa kama at binuksan ang ilaw para tignan kung ano'ng oras na. Nakita kong alas onse na ng gabi at hindi ko akalain na ganoon pala ang ihahaba ng tulog ko. Sigurado akong nakauwi na sila Riva at Milan at hindi ko lang alam kung nakita ba nilang kasama ko rito sa loob ng kwarto si Tristan kanina nang makauwi sila. Lumabas ako ng kwarto at halos patay na ang lahat ng ilaw sa hallway nang pababa ako. Tanging sinag na lang ng ilaw galing sa labas ang nagsisilbing liwanag doon kaya hindi ko na rin binuksan pa ang mga ilaw. I