Chapter 50

2349 Words

"I-text mo na lang ako mamaya ha. Tristan ikaw na bahala sa kaibigan ko," sabi ni Milan habang nagpapaalam sa amin. Nasa harap na kami ng bahay nila at pinapapasok niya muna kami sa kanila pero pinangunahan ko na lang na mamaya na lang. Marami ring kabahayan ang mayroon sa katabing bahay nila Milan. Tirik na tirik ang araw sa labas at may mga batang nagtatakbuhan sa labas. Hindi ko alam ang tawag sa nilalaro nilang lata na hinahagisan nila ng mga tsinelas nila. "Itetext na lang kita mamaya. Kumusta mo muna ako kay Tita," sabi ko kay Milan at kumaway na sa kaniya. "Okay sige. Mauna na ako at sobrang init," sabi niya at bahagyang tumakbo para mapasok na sa gate nilang gawa sa kahoy. Isinarado ko na rin ang bintana ng sasakyan ni Tristan at nagsimula na naman akong kabahan dahil kami na l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD