"Anong plano mo ngayon nasa iyo na ulit si Fionah, son?" isang umaga ay tanong sa akin ni Papa. Naiwan kami sa hapagkainan habang nagkakape. Sina Fionah at Zion ay kasama ni Mama sa garden at wala ng ibang ginawa kundi ang magkwentuhan. Si Shayne ay nasa out-of-town research na naman niya. Hindi na siya makapaghintay na makauwi upang makita si Fionah na narito na sa aming poder. Isa siya sa tinawagan ko upang ipaalam na bumalik na si Fionah sa akin. Walang pagsidlan ang saya niya na malamang sumama si Fionah sa akin pauwi ng mansyon kahapon. Bukas na ang balik ni Shayne at excited na itong maka-bonding si Fionah ng matagal. Mananatili kasi kami ng ilang araw dito sa mansyon nina Papa bago kami tumulak sa sarili naming bahay. Akala ko nga tatanggihan ako ni Fionah nang ayain ko siyang