KENN POV. Malakas ang kaba ng aking dibdib sa gagawin kong pagharap sa parents ni Samantha, hindi sa takot ako ngunit nahihiya ako sa kanila dahil sa mga nangyari noon. Siguradong alam ng buong angkan ang pangyayari between me and quadruplets, lalo na ang ginawang pagkuha kay Ken Ken noong baby pa ito pero kailangan kong gawin ito para sa mga taong mahal ko. “Boss, kinakabahan ka ba?” “Oo, tingnan mo nga itong suot ko makakapasa na kaya ako sa kanila?” “Siyempre naman boss, ikaw pa.” “Kung gano’n ay bilisan mo nang magmaneho dahil baka ma-late pa tayo ay nakakahiya sa mga magulang niya.” “Relax lang boss at malapit na tayo, basta ang mga bilin ni Manong Romy sa’yo ay huwag mong kakalimutan.” “Okay, iyon nga ang paulit ulit kong pinag aralan kagabi ang mga salitang dapat kong sabihin

