SOFFY POV. “Ano itong naririnig ko na pumayag kang magpakasal kay Kennedy?” “Tama kuya Josh, at hindi para sa sarili ko ang ginagawa kong ito lumalaki na si Ken Ken at si Princess. Ayaw kong dumating ang araw na sumbatan nila ako kung bakit wala silang ama, alam n’yo naman kung gaano kahalaga sa akin ang mga anak ko. Nagawa ko nga na magpaalipin noon makasama ko lang si Ken Ken, ngayon pa ba ako susuko? Kailangan ng mga bata ang pangalan ng kanilang ama, hindi ko na hihintayin na ma-bully pa sila sa eskwelahan na papasukan nila dahil baka mawala ang pagka-edukada ko. Isa pa hindi ba at patakaran ng Montemayor na kung sino ang ama ng mga anak namin ay hindi na kami maaari pang mag-asawa ng iba unless mamatay muna si Kennedy. So wala rin akong ibang pagpipilian kundi ilagay sa legal ang la

