KENN POV. Gusto kong magmulat ng mata ngunit hindi ko magawa, marami akong naririnig na mga boses at gusto kong sumagot kaya lang wala akong kakayahang ibuka ang aking bibig. Ano bang nangyayari sa akin bakit ganito, parang mandhid ang aking buong katawan. “Kenn, wake up naghihintay ang mga anak mo sa’yo lalo na si Ken Ken, araw-araw na naririto sa tabi mo.” Sa aking mga naririnig ay naiinis ako dahil wala akong magawa. Hanggang naramdaman ko ang pagdaloy nang likido sa aking pisngi at may mainit na bagay na dumadampi doon. “Open your eyes Kenn, hindi ba at sabi mo ay pakakasalan mo pa ako? So, kung gusto mong mapapayag ako ay gumising ka na riyan!” galit na ang boses na aking naririnig kaya dapat ay gawin ko ang mga sinasabi nito sa akin. Ngunit paano kung kahit kamay ko ay hindi ko ma

