"OMG! OMG! Totoo ba? Nagpunta si fafa Gino sa room mo?" Nagtaas ako ng kilay kay Alyanna at kalmado siyang tinalikuran. Sumabay naman agad siya sa akin sa paglakad. Kakalabas ko lang ng classroom at ito na naman ang bubungad sa akin. Minsan naku-curious ako kung alam niya ba ang tungkol kay Xan. Hindi ko naman magawang magtanong dahil baka hindi nito alam, and Justin was the only person who knew about it so... baka nga gusto lang nila na i-sikreto ito? "Anong ginawa niya roon? Friends na kayo? O more than friends na?" Nagbingi-bingihan ako at hindi siya pinansin. Minsan talaga masyadong OA ang pag-iisip niya. Pagdating sa cafeteria ay um-order na agad ako ng pagkain. Magkasunod lang kami ni Alyanna kaya maski pagdating sa table namin ay nakasunod siya. Agad akong nag-iwas ng tingin

