"Saan ka galing?" mom asked after I enter the house. "Nagpaturo sa schoolmate ko, mom." Lumapit ako at humalik sa pisngi niya. "Nasaan si dad?" "May shooting sila sa Pangasinan, nandoon pa sila, baka gabi na iyon makauwi. Nag-dinner ka na?" "Yes. Why? Hindi ka pa kumain?" "Mag-bi-bread lang ako." "I'll join you. Shower lang ako." Pag-akyat sa kwarto ay mabilisang shower lang ang ginawa ko. Mamaya na ako mag-skincare bago matulog. I looked around my room, hindi na siya kasing-ayos ng dati. Wala na ako masyadong time mag-ayos. Kapag lumuwag-luwag ang schedule ko ay saka ako maglilinis. Inilabas ko ang phone ko para i-charge nang may mag-notif sa messenger ko. Hindi ko sana papansinin kung hindi lang ako nagulat sa pangalan ng sender. Gino Sanderson sent you a message. Natitiyak ko

