"Final na lahat? Pupunta ako ng maaga sa shop, make sure na na-i-post na lahat ng mga dapat i-post. I emailed the invitations already." (Noted, Ches. Matulog ka na, 'wag ka masyadong ma-stress at baka mas lalo ka lang mahirapan sa mga dapat gawin bukas. Sleep early, surely you don't wanna face people with that haggard and tired look on your face.) "Okay. Good night." Taliwas sa sinabi niya na magpahinga na ay hindi iyon ang ginawa ko. Marami akong dapat gawin kaya binuksan ko ang laptop. Pina-post ko rin ang event poster namin sa page ng university namin at hindi pa nila iyon pino-post. Nag-follow up ako sa kanila bago dumiretso sa iba pang mga kailangang gawin. Pagod at puyat ang tinamo ko sa araw na iyon pero may halong excitement sa darating na bukas. It's still four in the morning

