"Bilisan mo na Jada, baka ma-late na tayo," may pagmamadaling sabi ni Dahlia. "Sandali lang naman kasi, bakit ba ganito ang ipinasuot mo sa akin, masyado namang pormal?" Pilit inaayos ni Jada ang pagkakasuot sa puting bestida. "Kasalan ang pupuntahan natin, kailangang pormal, huwag ka ng magreklamo. At saka ang gusto ng mga ikakasal ang lahat ng a-attend ay nakaputi." "Ready na si Justin." Biglang pumasok silid si Heidee dala ang anak ni Jada. Agad nabaling ang tingin ni Dahlia sa bata. Tingnan mo nga ang inaanak ko napakagwapo sa suot niya. Halika nga rito, Justin. Pa-kiss nga si ninang." Bumitiw ang bata sa pagkakahawak sa kamay ni Heidee at lumapit kay Dahlia. Agad itong niyakap ni Dahlia at hinalikan sa pisngi. "Naku, napakabango naman ng inaanak ko," natutuwang sabi nito. Naka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books