Sunod-sunod na pag-doorbell ang maririnig sa labas. Katatapos lang maghugas ng pinggan ni Jada. Tapos na silang kumain, nasa sala si Jacob, naglalaro ito at ang anak na si Justin ng robot na de remote control. Parang wala namang naririnig si Jacob kahit paulit-ulit ang pagtunog ng doorbell na tila ba nagmamadali ang nasa labas. Huminga ng malalim si Jada. Wala talaga siyang maasahan sa kaniyang asawa. Hindi na nga siya magawang tulungan nito sa mga gawaing bahay, kahit ang simpleng pagbukas lang ng gate at pagtingin ng tao sa labas ay hindi pa nito magawa. Lumabas siya ng pinto para alamin kung sino ang tao sa labas. Nagulat siya ng mabungaran niya si Sabina. Sa lahat ng tao sa mundo, ito ang pinakahuling tao na maiisip niya na papasyal sa bahay nila. "Jada! Good afternoon. How are you