Nagmamadali si Jada, ayaw sana niyang lumabas at isama pa ang anak sa paggo-grocery kaya lang ay wala siyang mapag-iiwanan nito. Natapos na siyang mamili at itinutulak niya ang pushcart na naglalaman ng mga plastic bag na pinamili niya. Papunta siya sa parking dahil naroon ang kaniyang sasakyan. "Jada!" Agad na napalingon siya sa tumawag sa kaniyang pangalan. Nakita niya si Daniel na humahangos na lumapit sa kaniya. Nakasuot ito ng uniporme pang eskuwela at may sukbit na backpack sa kaliwang balikat. "O, Daniel, ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya sa binata. "May binili lang akong libro sa bookstore," sagot nito. "Ikaw, nag-grocery ka pala, kailangan mo ba ng tulong?" "Oo sana, puwede bang tulungan mo akong maipasok sa compartment ang mga pinamili ko?" Sinamantala na niyang may