Katatapos lang maligo ni Katrina, nakabihis na siya at kasalukuyang nagpapahid ng lotion sa kaniyang mga braso at binti. Kalalabas lang ni Caleb mula sa banyo, wala itong saplot sa pang-itaas at nakatapi lang ng tuwalya ang pang-ibabang bahagi ng katawan nito. "Are you having a good time here, sweety?" tanong ni Caleb sa asawa. Tumango naman si Katrina sabay ngiti. Wala siyang sinabi, sapat na ang pagngiti niya para maintindihan ni Caleb ang gusto niyang iparating. Napaigtad siya ng hawiin ng kaniyang asawa ang buhok niya at dampian siya ng halik sa batok. Ang mainit nitong mga labi ay ay nagbigay ng kiliti sa kaniya. Dumaloy ang kiliting iyon sa lahat ng parte ng katawan niya ay at nagbigay ng kilabot. Alam na niya ang gustong mangyari ng kaniyang asawa. Handa naman siyang ibigay ang