Pabiling-biling ang ulo ni Katrina sa kama. Nanaginip siya, sa panaginip niya ay may isang batang lalaki na naglalaro ng bola sa labas ng gate nang malaking bahay. Naroon siya at nagdidilig ng halaman, nakangiti siya habang pinapanuod ang bata na naglalaro, nang biglang gumulong ang bola at hinabol ng bata. Panay ang tawag niya rito ngunit para bang hindi siya naririnig nito. Alam niyang naroon siya sa pangyayaring iyon ngunit kung bakit parang invisible siya. Nakikita niya ang mga tao ngunit hindi siya nakikita ng mga ito. Hinabol niya ang bata sa takot na baka may bigla na lamang dumaan na sasakyan at masagasaan ito, kaya lang nang malapit na siya rito ay may isang babae na bigla na lang sumulpot sa kanilang harapan. "Justin, what are you doing here. Come on, parating na ang daddy mo,"