Mas nauna ng limang minuto si Caleb sa coffee shop kaya hinintay niya ang pagdating ni Dahlia. Ilang sandaling paghihintay, malayo pa lang ay natanawan na niya ang pagpasok nito sa entrance door. "O, Caleb, bakit gusto mo akong makausap?" agad tanong ni Dahlia nang makalapit kay Caleb, humatak ito ng upuan at naupo katapat ng binata. "I'm just curious, why Jada is no longer with ATS. Why did she resign from her job?" Natigilan si Dahlia, pinakatitigan niya si Caleb. Tinitimbang pa niya kung dapat nga ba niyang ipaalam dito ang totoong dahilan kung bakit natanggal sa trabaho si Jada. Sa isang banda ay naging kaibigan naman nila ito kaya hindi naman siguro masama kung malaman nito ang tunay na nangyari. Huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang tanong ni Caleb. "Jada did not voluntar