"What happened?" Isang oras matapos makauwi ni Caleb ay dumating si Steve. Hindi na rin ito nagtagal sa party ng malaman nito na masama ang pakiramdam ni Caleb. Imbes na sa unit niya ay sa penthouse ng kaibigan agad siya tumuloy para tingnan ang kalagayan nito. Naabutan niya ito na nag-iinom sa sala, ang duguang kamay nito ang agad niyang napansin. Labis ang pagtataka niya, hindi niya mawari kung ano ang nangyari rito. Lumapit siya kay Caleb at akmang hahawakan para sipatin ang namamagang kamay nito ngunit maagap na iniiwas ni Caleb ang kamay sa kaibigan. "This is nothing, don't mind it, come on drink with me." Binigyan nito ng isang bote ng malamig na beer si Steve. Matapos kasing halos maubos niya ang isang bote ng alak ay beer naman ang ininom niya ngayon. "What went wrong? Why did