bc

Stallion#9: Brad Crawford

book_age16+
1.8K
FOLLOW
4.0K
READ
second chance
arrogant
aloof
confident
comedy
bxg
humorous
lighthearted
witty
slice of life
like
intro-logo
Blurb

CHIZA CLOSED her eyes as she felt the cold Tagaytay wind touched her skin. Prenteng-prente siyang nakaupo sa sanga ng isang puno habang pinagmamasdan ang magandang tanawin ng Taal Lake sa kanyang harapan. Nang papakin ng mga langgam ang kanyang kamay, hanggang sa mawalan siya ng balanse at mahulog mula sa kinauupuan. Mabuti na lang at may nakasalo sa kanya.

Nakubabawan na niya ang lalaki at napangiti nang makita ang mga mata nito. “You have beautiful eyes.”

“Get off my face.”

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“YOU’RE NOT wearing your uniform.” Napaangat ng tingin si Brad mula sa binabasang broadsheet newspaper.  Reid Alleje, owner of the exclusive Stallion Riding Club, was standing in front of him.  Pinasadahan niya ng tingin ang suot nitong jeans at long sleeve polo. “So are you, Reid,” wika saka ibinalik ang pansin sa binabasa.   “I own this place.” “I know.  But I’m not in the mood to join any competition today so I’m not wearing my uniform.” “You know my rules, Brad.” Napabuntunghininga na lang siya. “Fine. Pero puwede bang mayamaya na lang ako magpalit? Wala talaga ako sa mood ngayon kumilos.” Hindi sumagot si Reid. Gayunman, alam na rin ni Brad na pumayag ito sa sinabi niya nang umupo ito sa bakanteng silya sa mesa niya. “You look tired.” “I am tired. Ang dami kong inasikaso sa mga negosyo ko kaya walang tigil ang pagpapabalik-balik ko sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa kung saan naka-base ang mga branches namin.” Itiniklop niya ang broadsheet at inilapag iyon sa mesa saka sumandal sa kinauupuan at nag-inat. “Ngayon lang ako nakatapos kaya gusto ko na muna mag-relax.” “Hmm. Kaya pala ngayon lang kita napansin dito.” “And what? Nag-a-attendance check ka na rin ngayon?” “Nah. I was just looking around, at napansin ko lang na parang di kita nakikita nitong mga nagdaang linggo.” “Yeah, well, I’ll be here for a while for my much-needed rest. Kaya di mo na ako mami-miss.” “Brad.” “Hmm?” “That’s cringey. Don’t do use that joke on me.” Tumango lang si Brad saka dinampot ang tasa ng umuusok niyang brewed coffee. “By the way, nabanggit mo sa akin last time na nagkausap tayo na may business conference kang pupuntahan sa Ireland. I was there a few weeks ago to visit my grandmother. Hindi pa masyadong malamig ngayong mga panahon kung ngayon ka pupunta roon. Still, I would suggest na magdala ka na ng mga winter clothes at baka iba na ang panahon doon pagdating mo.” “I’ll probably let my business partner attend for me.”  Inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng Stallion Lounge, ang pinakamalaking restaurant sa loob ng Stallion Riding Club.  “Hindi ko pa maiiwan itong club at baka kung ano ang gawing kalokohan ng mga members.  Mga sira ulo pa naman ang mga iyon.” “Hindi ako kasama dun.” “Mas lalo na ako.  You didn’t bring any companion with you?  Pagtatawanan ka na naman ng ibang members kapag nakita kang nag-iisa na naman ngayon.” “Bakit ikaw?” tanong niya rito.  “You never bring a companion with you.” “Says who?” Hindi na siya nagtaka sa sagot ni Reid Alleje.  Maaaring hindi ito aktibong playboy gaya ng ibang miyembro ng Stallion Riding Club.  Pero hindi naman ibig sabihin nun ay santo na ito pagdating sa mga babae.  And anyway, wala naman talagang nakakaalam sa kanila ng mga whereabouts ng taong ito.   “So, you’re seeing someone,” Brad said, matter-of-factly.  “That’s new.” “It’s not new.” “Ow?” Brad usually don’t mind other people’s business, specially the people from this exclusive riding club he’s a member of. Pero hindi pa rin niya mapigilan ang ma-curious. Lalo na sa whereabouts nitong si Reid Alleje. “Kilala ba namin?” “I won’t answer that.” “I won’t tell.” “I don’t trust you.” “Ah.” Dinampot na lang uli ni Brad ang newspaper. “I’ll just ask the Samaniego twins then.” “They won’t tell you anything coz they don’t know anything. And even if they know something, they still wouldn’t tell. Loyal sa akin ang mga iyon.” “You mean, takot silang masipa mo palabas ng SRC.” “That too.” “Reid, can I sue?” Rodjan, their ‘misunderstood’ member, asked.  Kasunod nito ang kambal na sina Trigger at Jigger na naupo na sa katabi nilang table.   Speaking of the devil. Or devils. The twins waved at them to greet them. Nakangiti ang isa, pormal naman ang mukha ng ito. Pero alam ni Brad na walang inosente sa kahit na anong parte ng pagkatao ng dalawang ito. And here’s one of the proofs. “Gusto kong ipatapon sa Ihawig ang dalawang ito, Reid,” gigil na deklara ni Rodjan. “You’re not the only one who would want that,” wika ni Brad nang makitang nakangisi lang sa kanila ang isa sa kambal.  “I wish I could have the chance to do that.” “Come on, Rodjan. We were just teasing you.” “At hindi naman namin akalain na papatulan mo ang pagbibiro namin.” Brad just smirked. You’d be a fool to believe anything these two motherfuckers say. The twins were notorious for scheming, manipulating and messing up lives.  And their favorite pasttime was playing cupid in the most chaotic ways.  Kung meron nga lang batas laban sa mga nabanggit, matagal ng na-silya elektrika ang mga ito.   “Do whatever you want,” sagot ni Reid.  “Basta wala lang dadanak na dugo dito sa loob ng Stallion Riding Club.  Ayoko ng marumi.  Anyway, since most of you are here, I have an announcement to make.” Nagtungo ito sa pinaka-stage roon kung saan may isang grand piano na ginagamit ng mga performers doon kapag Laidback Night.  Reid picked up a microphone. “Malapit na ang annual open competition para sa iba’t ibang riding club ng bansa.  So I adviced that you train with your horses instead of arguing with the twins.  Mas may mapapala pa kayo.” “Hey, Brad,” baling sa kanya ni Rodjan.  “Saan ba ako makakakuha ng abogadong papatol sa kasong isasampa ko sa dalawang makulit na iyon?” “No idea.” “Also,” patuloy ni Reid.  “By the end of the month, we’ll be doing our monthly ranking competition.  Kaya kung ayaw ninyong mapahiya sa isa’t isa, you better get yourself gear up for it. Train yourselves. Ayoko ring makakita ng lalampa-lampa sa race tracks.”   Napansin ni Brad tila balewala lang naman sa mga kapwa niya miyembro ang sinabi ni Reid.  You better say something more than challenge their skills, man.  At tila narinig naman nito ang kanyang ibinulong.  O kaya naman, talaga lang kabisado na nito ang ugali ng mga alaga nito. “You don’t want to lose in front of all these beautiful women, do you?”  Nagkanya-kanya na ng payabangan ang mga club members.  “I think that settles it.  Just don’t strain yourself too much.  Practice lang ang gagawin ninyo. Enjoy while you’re at it. No injuries, you hear me? ‘Yon lang. Mic drop.” Iminuwestra ni Reid ang mikropono na tila basta na lang nito iyon ibabagsak sa sahig. And everybody almost jumped to their seats to catch the mic coz the last time Reid did it, they almost busted their eardrums. Pero imbes ibagsak sa sahig, maingat lang nito iyong ibinalik sa mic stand. Nakahinga ng maluwag ang mga Stallion boys. “Huwag kasi kayo masyadong lumaklak ng kape. Ninenerbiyos tuloy kayo.” Brad almost crack a smile. Maloko ang karamihan sa mga club members, malamang nagmana sa pinuno nila roon. Palabas na si Reid sa Stallion Lounge nang magsalita ang isa sa Samaniego twins. “Ikaw, Reid, hindi ka ba magpa-practice?  I know you’re a good all-rounder.  Pero mas gumagaling na ang ibang members ngayon.” “And your point is?” “Gusto kong makita kung gaano ka kagaling para mas makapaghanda pa ako.  I wanted to take over your position in the rankings.”   “Sinabi mo na rin ‘yan nung nakaraan, Jigger.” “I’m not Jigger. At mas magaling na ako ngayon kaysa noong nakaraang ranking tournament natin.” Ngumiti-ngiti pa ito. Natahimik si Reid Alleje. Tumahimik din ang buong Stallion Lounge. Lahat ay naging interesado sa sinasabi ng isa sa kambal.  Pero ang mas nakakuha marahil ng interes nila ay ang deklarasyon ng isa sa mga members ng club ng hayagang paghamon sa kakayahan ng pinakamagaling na equestrian sa buong Stallion Riding Club.  Reid has always been a pillar of strength among them.  Hindi pa ito natatalo sa kahit na anong kumpetisyong sinalihan nito.  At batid ni Brad, wala mang nagsasalita, lahat sila ay gustong mapababa ito sa posisyon nito as a Stallion Lord.   “I don’t need to practice,” deklara ni Reid. “That’s how good you are, huh.  Hindi na rin namin nakikitang nagpa-practice si Brad.”   Napalingon kay Brad ang mga members. “What?” “Kasing galing mo na rin ba si Reid?” “Sino muna sa inyo ng kakambal si Jigger at sino si Trigger?” “Kunsabagay, sa ranking, ikaw ang madalas maka-second kay Reid.  Maybe I should defeat you first, Brad.” “Tayo muna, Brad,” wika ni Eneru.  “Gusto kong i-test ang mga puwede ko pang gawin para mag-number one.” “Hey, Reid, puwede ba tayong magkaroon ng practice match ngayon?  Malakas ang kutob kong matatalo kita at ako ang magna-number one ngayon kahit hindi official match.” “Nagyabang ka na naman, Kai.  Sa akin nga lang di ka manalo, kina Brad at Reid pa kaya?” “Natalo kita kahapon, Jubei.” “Because I was sick yesterday.” “No matter.  You still lost.”  Nagkanya-kanya na ng bilangan ng mga achievements ang mga ito.  Samantalang si Reid ay nakakunot-noo lang habang pinagmamasdan ang Samaniego twins na kuntentong pinagmamasdan lang ang kaguluhang nangyayari sa paligid.  Reid was aware these two has something up their sleeves.  Again.  At mukhang tama naman ito dahil iyon din ang kutob ni Brad.   Sinabi na kasi na huwag masyadong pagtiwalaan ang dalawang kulugong ito. “We never saw you practice together with Brad, Reid,” wika ng isa sa kambal.  Nag-uumpisa na naman ang mga ito.  “Bakit kaya hindi muna kayo ang magkaroon ng practice game para makita namin ang porma ninyo.” “Yeah,” sang-ayon ng kakambal nito.  “Come on, bigyan nyo naman kami ng kaunting patikim kung ano ang mangyayari sa susunod na ranking competition.” Tiningnan siya ni Reid at nagkibit-balikat lang.  “Sure.” Tumayo na si Brad, bitbit ang diyaryo at naglakad palabas ng magulo at maingay na Stallion Lounge.  Alam niyang nakasunod ang tingin ng mga ito sa kanya at nagtataka.   Itinaas lang niya ang hawak na diyaryo. “I’ll just change into my uniform.” Tutal naman gusto na rin niyang malaman kung hanggang saan ang galing ng kanilang pinaka-lider.  Come to think of it, tama naman sina Jigger at Trigger.  Ni minsan ay hindi pa sila nagkaharap sa ni Reid finals tuwing may ranking competition sa Stallion Riding Club.  It was either they were at the same team together or one of them was out of the club for some business trips when the competition was held.   This could be interesting day.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.8K
bc

His Obsession

read
72.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook