CHAPTER 2

1834 Words
CHIZA CLOSED her eyes as she felt the cold Tagaytay wind touched her skin.   Ah…  It feels really good.   Sa Australia kasi kung saan siya nakabase, ay kasalukuyang nakakaranas ng napaka-init na panahon.  Kaya ang maaliwalas na pakiramdam ng malamig na hangin na iyon ay sobrang ginhawa ang hatid sa kanya.  When she opened her eyes, the magnificent view of the Taal Lake greeted her.   This is life. Maganda pa rin ang Pilipinas kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kahit nakakasuka na ang pulitika ng bansa, babalik at babalik pa rin siya sa bansang kinamulatan niya.  Sa Australia lang siya nagtatrabaho bilang managing consultant ng isang advertising firm doon.  Narito lang siya sa Pilipinas para sa isang three-day international advertising congress na ginaganap nga sa naturang riding club.  Stallion Riding Club.  If she may say so herself, this was probably one of the best places in the world that she had ever been to.  Nag-iisa lang ang three-storey hotel doon kung saan naka-check in ang may tatlong daang delegato ng mga advertising firms sa iba’t ibang panig ng mundo.  Pili lamang at salang-sala ang mga nakadalo roon kaya nga laking pasasalamat niya na isa siya sa mga iyon.   Katatapos lang ng session nila sa malaking convention center ng Club kaya libre na silang magliwaliw.  Nasa spa resort yata ang ilan sa mga kasamahan niya at ‘yung iba ay abala sa iba’t ibang bars at restaurants doon at recreation centers na matatagpuan din doon.  Pero may palagay si Chiza ang karamihan talaga sa mga kasamahan niyang iyon, lalo na ang mga babae ay sa racing arenas ang destinasyon.  Boy-watching, guy-hunting and picking up dates with Stallion Riding Club’s hottest and most gorgeous members.  Hindi naman niya masisisi ang mga kasamahan kung mabaliw man ang mga ito sa mga club members niyon. Medyo nawi-weird-uhan pa nga siya dahil ang karamihan sa mga miyembro ng club ay mga single at hindi pa matatawaran ang kaguwapuhan.  Lalo na kapag naka-riding uniform na sila.  Parang gugustuhin mong kumuha ng lambat at siluin sila ng isang hilahan lang dahil hindi ka makapili sa mga ito. Pero para kay Chiza, mga dekorasyon lang ang mga ito para makahatak ng mga malalaking kliyente since ang balita niya ay mga businessmen din ang mga ito.  When she saw some of them earlier, already flirting away with the other guests, she knew those Stallion boys were troubles.  Big trouble.  Lalo na sa mga kababaihan.  She had a fragile heart and clear mind, kaya wala rin naman siyang dapat na ipag-alala.  Makaka-survive siya sa tatlong araw na iyon nagn hindi nakaka-encounter ng isa sa mga ito.  And anyway, di rin naman niya papatulan ang mga ito kung sakali.  She only came here for business and business alone. Nawala lang siya sa kanyang pagmumuni-muni nang maramdaman ang pagkagat ng kung ano sa kamay niya.  Nang tingnan niya kung ano iyon, tatlong malalaking langgam na pula na ang umaatake sa kawawa niyang kamay.  Muntik pa siyang mahulog sa kinauupuang sanga ng punong inakyat niya kanina sa pagnanais na maalis ang mga langgam sa kamay niya. “Peste!  Istorbo kayo sa pag-e-emote ko rito.  Alis—Aw!  Aw!” Naibalanse niya ang katawan sa sanga na iyon dahil member siya ng gymnastics club noong nasa highschool pa lang siya.  Kaya lang hindi naman niya inasahan ang pagdating ng kung sino na ikinagulat niya.  A horse passed by below to where she was sitting, taking away her balance completely.  Mabuti na lang at napakapit siya sa sanga. “What the hell are you doing up there?” came a deep and roughly foreign accent. Tiningnan niya ang nagsalita.  Isang lalaki ang nakita niyang nakasakay sa kabayo nitong hindi mapakali at nakatingala sa kanya. “I, ah…I slipped.” “Slipped?  Up there in that tree?”  Sa itsura ng pagkakanot ng noo nito, parang gusto siya nitong tanungin ng ‘mukha ba akong tanga’? “Well, ahm…”  Puwede siyang bumitaw.  Pero hindi niya iyon gagawin.  Masyadong mataas ang kinaroroonan niya at siguradong hindi magiging maganda ang resulta ng gagawin niya kapag sinubukan niya.  But she just couldn’t hold on any longer.  “Can you help me?” “No.  You came up there, you go down on your own.” What?!  Basta na lang siya nito iiwan na nakalambitin doon?  Kasabay ng paghahanda nito sa pag-alis ay dumulas na nang tuluyan ang kanyang mga kamay.  Napapikit na lang siya. Maxwell… “What the heck—“ Iyon ang boses ng lalaki na huli niyang narinig bago niya naramdaman ang pagbagsak niya sa isang malambot ngunit matatag na bagay.  Inaasahan na niyang sa madamong lupain na iyon hahalik pagbagsak niya.  Ngunit sa kanyang pagmulat ay maitim na bagay ang sumalubong sa kanya.  Maitim at…gumagalaw?   “Aw…oh, man.” Huh?  Sa wakas ay nakita na niya ang mukha ng isang guwapong lalaki, with the greenest eyes she had ever seen!  Green fanned with long thick lashes.  He was gorgeous.  Kahit pa nga tila may kung ano itong iniinda dahil halos magsalubong na ang mga kilay nito.  Doon lang niya napansin, nasa lupa na sila at nakukubabawan niya ito.  Sabay siguro silang nahulog nang saluhin siya nito.  Nang bahagy nitong iniangat ang katawan ay halos magdikit na ang kanilang mga mukha.  Mas malinaw na rin niyang napagmasdan ang mga mata nito. She smiled.  “You have beautiful eyes.” “Get off me.”  Itinulak siya nito upang maalis siya sa pagkakadagan niya rito.   Sumunod naman si Chiza dahil mukhang nahihirapan na nga ito.  Subalit pagkilos niya ay naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang paa kaya hindi muna siya gumalaw sa isang tabi. “I can’t believe I’d lost to Reid because of a woman…”  Nakatayo na ito at pinagpag ang narumihang uniporme.  “This is unacceptable.” Kahit may iniindang kirot, hindi pa rin niya magawang ilayo ang tinign niya sa lalaki.  He was just so good to look at.  Nang balingan siya nito ay automatic siyang napangiti, hindi rin niya alam kung bakit, habang hinihilot-hilot ang kumikirot niyang binti. “What happened to you?” Such accent… “Sa akin?  I mean, what happened to me?  Nothing.  Medyo naipitan lang siguro ako ng ugat—A, hindi ka nga pala nakakaintindi ng Tagalog—ahm…” He squatted before her and inspected her foot that she’d been massaging.  “Does it hurt?” “Oo--wait, marunong ka mag-Tagalog? I mean, nakaka-intindi ka?” Tumango lang siya ng hindi inaalis ang tingin dito.  “Pero medyo lang—wait, nakakaintindi ka ng Tagalog?” “I’m only half Irish.”  Tiningnan nito ang direksyong tinungo ng nauna kasama nito na nauna na rito.  Pagkatapos ay tumayo na ito sumakay ng kabayo.  “Tatawag lang ako ng tulong.  Huwag kang aalis dito.” “Okay.”  Umurong si Chiza sa katawan ng punong pinagbagsakan niya dahil nangangawit na rin ang likod niya.  Then she looked up to him, looking absolutely lordly mounted on his magnificent gray-white horse.  “Professional model ka ba? Puwede ka kaya maging model sa advertising firm namin? Marami kaming endorsement deals na maiaalay sa iyo kaya siguradong mas dadami ang tagahanga mo at madadagan ang mga modelling gigs mo.” “Im not interested. I’m busy with my own business,” seryoso nitong sagot. “You look like someone who loves challenges. At challenge sa career mo kung sakaling tanggapin mo ang alok ko…” A soft breeze passed by and it did wonders to him as his hair was slightly swaying with the slightlest breeze. “You’re so handsome…” “Shouldn’t you be thinking of your situation instead of studying my face?” “I like your face. Ang sarap tingnan.  Nakakawala ng stress.”  Sumandal si Chiza sa katawan ng puno at mas pinagmasdan ito nang husto.  “Hmm.” “I don’t like being stared at.  And I don’t like you because you ruined my match.”  Iyon lang at pinatakbo na nito palayo ang kabayo nito. Ngingiti-ngiti lang si Chiza habang sinusundan ng tingin ang guwapong Stallion boy.  She had never met anyone who had such temper and yet could look cool and adorable at the same time.  Well, meron na siyang nakilala noon.  Pero hindi kasing sungit ng isang ito.   Nag-iipon siya ng mga tuyong dahon kung saan puwede niyang maipatong ang kanyang paa para maibsan ang pagkangalay  niyon nang marinig niya ang papalapit na mga yabag na iyon.   Ang bilis naman ang sundo ko.   Pero hindi ang grupo ng inaasahan niyang susundo sa kanya ang dumating kundi ang lalaking nadisgrasya niya kanina. Na mag-isa pa rin dahil wala siyang naaninag na kasama nito.   Automatic uli na sumilay ang ngiti sa mga labi ni Chiza.   Automatic namang nagsalubong ang mga kilay nito nang tumapat sa kanya at bumaba ng kabayo.   Wow, parang prinsipe ang dating.  Sa kilos man o sa salita. “Hello,” magiliw niyang bati sa lalaki. “Kumusta? Tagal mong nawala, ah. Mga…two minutes?” “Can you stand?” He totally ignored her praises. With a straight face. Wow. “I’m okay.” “I’m not asking if you’re okay. I’m asking if you can stand up.” “I think so. Basta hindi ko lang siguro ilalapat nang husto ang paa ko para hindi mabigla.” Sinulyapan niya ang nadisgrasyang paa. “Napasama yata talaga ang pagbagsak ko kanina. Mukhang nagbabadya ang pamamaga nito…” Natigilan siya nang bumaba sa kabayo ang lalaki at lumapit sa kanya. Saka walang sere-seremonya siyang binuhat at inalalayan na makasampa sa likod ng kabayo. “You know, I don’t really ride horses--ay kabayo!” Muntik na siyang bumaliktad ang maglakad ang hayop.  Mabuti na lang at naalalayan siya agad ng binata. “Huwag kang magulo,” utos nito.  “Nararamdaman ng mga kabayo kung uneasy ang nakasakay sa kanila kaya nagiging uneasy din sila.  So, just relax.” “Okay, pero wala bang mas magandang sakyan?  Like a car or something?” “Wala.” “Ah, okay.”  Bigla siyang natawa at muntik na namang bumaliktad nang kumilos uli ang kabayo. “Do you always laugh at your miseries?” “No.  I just think this is funny.  Chill out, Brutus.” Sumakay na rin ito ng kabayo, sa likuran niya.  “My name is Brad.” “Hello, Brad.  I’m Chiza.  A…bakit nga pala ikaw pa rin ang bumalik para sa akin?  Akala ko ba tatawag ka ng tulong—“ “Quit asking so many questions, will you?  Just be thankful I’m helping you.” “Oo nga pala.”  Isinandal niya ang katawan sa katawan nito at bumuntunghininga.  “Salamat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD