Chapter eighty eight LUCAS POV’S Mas gugustuhin ko pang manatili dito sa bukirin kesa sa bahay dahil naiilang na ako na makasama si Clara ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang pakiramdam ko sa kanya, minahal ko naman siya noon pero bakit nag iba na ngayon? Nakikisama ako sa mga magsasakang nagtatrabaho sa aming bukid. “ Mangingitim ka dito Lucas.” Sabi sa akin ng isang magsasaka. “ Ayos lang ako.” “ Kahit naman mangitim siya napakagandang lalake parin niya.” Karamihan sa mga manggagawa namin dito ay puro mas matanda sa akin pero may mga halos kaedad ko rin na narito. Oras na para dalhan sila ng makakain ngunit wala pa si manang Cora dito, nasaan na kaya siya? Dapat narito na ang mga pagkain na para sa kanila. Paglingon ko ay nakita ko agad ang kanyang anak at dala da