Chapter eighty seven MAXINE’S POV’S Nagtataka na ako kay manang, anong sinasabi niyang siya ang aking ina? Matagal ng wala ang mama ko pero bakit siya nagpapakilalang mama ko? Hindi ako lumalapit sa kanya dahil pinapalo niya ako na parang bata. “ Uminom ka nanaman ng alak hindi ba?” “ Red wine yung ininom ko.” “ Anong red wine red wine? Nagnakaw ka nanaman ba ng alak dito sa bahay ng amo natin? Ikaw talagang bata ka hindi ka nakikinig sa akin! Ibabalik kita sa probinsya natin kapag hindi ka tumino.” Nakatulala lang ako kay manang dahil hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya. “ Hindi po ako yung anak niyo baka napagkakamalan niyo lang ako hehe.” Naalala ko tuloy si Lucas, napagkamalan niya akong si Clara kaya akala niya ay ako yung nawawala niyang fiancé dahil magkahawig ka