Kabanata XI

2046 Words
Chapter eleven MAXINE’S POV’S Nabigla ako ng makita ko si Jingle dito, naalala ko sikat na showbiz couple ang ikinasal kaya siguradong kasama niya si Dylan. Hindi ko naharap yung phone ko sa sobrang busy naming kaya hindi inalam kung nasaan ang boyfriend ko, madalang na lang din akong humawak ng phone dahil hindi ko na ineexpect na tatawag o magtetext pa si Dylan sa akin. Madalang na rin kase siyang tumawag at magtext, ang sakit kaya magexpect kaya ng tumagal, sinanay ko na ang sarili ko na huwag ng umasa, basta sumusuporta lang ako sa career niya ayos lang yun. Itong si Lucas naman ang problema ko ngayon, napakakulit at mananagot ako kay Dylan kapag Nakita niya si Lucas o nakausap, dahil puro Clara at ikakasal daw kami yun ang bukambibig niya. Inilayo ko si Lucas malapit sa pwesto ko, agaw atensyon din siya ngayon dahil sa kagwapuhan niya kaya nakakahiyang tumabi. Ako talaga nahiya? Eh ang weird nga niya kung alam lang nila, dalawa sila nung kasama niyang si Kaleb. Kilala ko na tuloy sila dahil palagi na lang kaming pinagtatagpo. Mukha silang normal ngayon dahil nabihisan sila ng maayos, hindi kagaya ng una ko silang makitang dalawa ara silang galling sa panahon ng lolo at lola ko sa tuhod. “ Dito ka muna ah, kapag hindi ko hiningi ang tulong mo huwag ka munang lumapit sa akin, okay?” Nakatulala lang siya, hindi ko na hinintay yung isasagot niya dahil naririnig ko ang pangalan ni Dylan na tinawag nila. “ Bagay sila ni miss Aya.” “ Oo nga eh.” “ Baka sila na?” “ Palagi daw silang magkasama eh.” “ Hindi kaya mabigla na lang tayo at sila na pala ang susunod na ikakasal?” mga fans din ni Dylan ang mga kasamahan kong crew at rinig na rinig ko ang usapan nila dahil nasa tabi ko lang sila. Masakit para sa akin ang mga ganyang komento, lalo pa at hindi kami pwedeng magpakilala ni Dylan in public. Ang lungkot ko tuloy, si miss Aya ang kasama niya sa harap ngayon at ang saya nilang dalawa, pareho silang nakangiti at kumakaway sa mga fans nila. Akala ko pa naman, ordinaryong kasal lang ito at wala akong makikitang ganyan pero biglang umiba mood ko dahil nandito yung boyfriend ko at yung babaeng nililink sa kanya. Habang ako? Tagaserve sa kanialng dalawa ng pagkain. Hindi ako maipagmamalaki ni Dylan dahil ganito lang ako, isang crew, minsan taxi driver o kaya delivery rider pasideline sideline lang palagi. Tapos boyfriend ko artista? Ako yung nahihiya para kay Dylan dahil ganito lang ako, bigla tuloy akong nadown sa mga inisip ko. Nakakainis naman, magconcentrate ka Maxine, focus ka sa trabaho mo, saying pera na sasahurin mo dito. May laro silang ginawa pero hindi ko na pinanuod pa, nagpakabusy ako sa pagbibigay ng pagkain kaso, hindi ko magawang mapatingin. Bakit ang say ani Dylan ngayon? Nagtatawanan sila ni miss Aya habang naglalaro. Namiss ko ang ganyang ngiti niya pero iba na ang dahilan ngayon ng pagngiti niya, ang sakit naman ayoko na makita, lumayo muna ako at pumunta sa lugar kung saan ko iniwan si Lucas, baliw talaga hindi talaga siya umalis doon. “ May kailangan ka bang ipagawa sa akin Clara? Sabihan mo lamang ako.” Umupo na lang ako sa tabi niya. “ Kailangan ko lang magpahinga ng konte.” Sa totoo lang gusto ko lang na hindi makita sina Dylan at miss Aya na nagkakasiyahan, papatapusin ko muna yung games nila bago ako bumalik sa pwesto ko. “ Ako na ang gagawa ng iyong tungkulin Clara.” “ Maupo ka nga lang diyan.” Pagod din to halata, ayaw niya lang magsabi ang kulit pa. “ Buti ka pa, weird ka lang pero inaalala mo ko.” Nakatulala na lang ako ngayon “ Bakit yung boyfriend ko bigla na lang nagbago sa akin, sinuportahan ko naman siya, nagpakabait ako, tiniis ko yung sakit dahil patago na ngayon ang relasyon naming pero, deserve ko ba to?” naiyak ako sa naiisip ko. Deserve ko nga ba to? Hindi ko naman niloko si Dylan o ginawan ng masama pero bakit parang ako yung masama ngayon at malungkot. Wala akong ginawang mali pero ako yung mas nasasaktan sa aming dalawa, si Dylan ang saya saya niya tapos ako hinahayaan lang niyang ganito. “ May suliranin ka, nakikita ko sa iyong mga mata.” “ Malamang naman narinig mo mga sinabi ko kanina.” “ Kung ano man yan Clara, huwag kang mag atubiling lumapit sa akin, tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.” Nakatingin lang ako sa kanya, tinititigan ko ang kanyang mukha dahil napakakinis at ang tangos ng kanyang ilong. Yung nakatira sa kalye parang mas maganda pa ang kutis kesa sa akin. Yung sinabi niya kanina parang ang sarap pakinggan, ngayon lang ulit ako nakarinig ng ganyan sa isang tao, parang pakiramdam ko may nagmamalasakit sa akin. Simula ng naging kami ni Dylan, siya na halos ang naging mundo ko kaya ng sumikat siya at nawalan na ng oras sa akin ay wala na akong nakakausap dahil puro Dylan ang kausap ko araw araw noon. “ Tara na nga, bumalik na tayo sa trabaho.” Tumayo na ako at tumayo na rin siya. Kahit baliw itong kausap ko parang gumaan ang pakiramdam ko ng tumabi ako sa kanya, baliw na rin ata ako. At ng makabalik na ako sa pwesto ko kanina tinignan ko agad yung mga nasa harap, hindi pa pinapaupo sina Dylan at miss Aya kaya nakatuon ang atensyon ng lahat sa kanila. Sila na ata ang pinag uusapan sa showbiz kaya mas nakuha nila ang atensyon ng mga tao dito kesa sa ikakasal. Ang dami nilang tinatanong sa kanilang dalawa. “ Baka kayo na ang susunod sa bagong kasal?” tanong ng may hawak ng mikropono kaya lahat ng tao ngayon dito ay kinilig maliban sa akin. “ Ano na ba ang status niyong dalawa?” tanong ng bagong kasal sa kanila. Hindi umimik si Dylan pero nakangiti siya, si miss Aya naman kinuha niya ang mikropo “ Basta masaya lang kami at kuntento kung anong meron yun lang.” mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao dito. Para akong nabingi sa ingay nila. Masaya? At kuntento na? Yun din ang nakikita ko na reaksyon nilang dalawa, pero diba ako ang girlfriend? Limang taon na kami pero bakit sila ngayon ang masaya? Bakit sa iba siya masaya? “ Clara? Mabuti ba ang iyong lagay?” rinig kong tanong ni Lucas sa akin. May tao pala sa harapan ko, nako naman nawala na ako sa sarili, hindi ko na nagagampanan ng mabuti ang trabaho ko. Nakakahiya. “ Magpahinga ka na lang.” dagdag ni Lucas “ Kaya ko pa.” yung trabaho pero yung sakit ng nararamdaman ng puso ko parang sasabog na. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagbibigay ng pagkain, hindi ko magawang magfocus lalo sa mga naririnig ko. Gusto ko silang puntahan at hilain si Aya palayo kay Dylan, ang hirap na naklikita mismo ng dalawang mata ko na nilalandi ang boyfriend ko. “ Kanina ka pa nakatingin sa makisig na lalakeng yun.” Ang talas naman ng paningin nito, alam kung sino ang tinitignan ko. Ayoko magsalita na, nasasaktan kase ako kaya nawalan na ako ng gana. Nakakainis lang ngayon pa talaga at sa trabaho ko pa? nasa iisang lugar pa kami ngayon. Napansin kong lumabas si Dylan at pumunta sa gilid ng pool, sinundan siya ni miss Aya doon. Hindi maiwasan ng paningin ko na hindi sila titigan, may iba ring tao sa pool na nagpapapicture dahil ang ganda ng view at syempre ng dekorasyon namin. “ Maxine, pakibigay naman ito dun sa babaeng naka green, kailangan ko na magbanyo pakidalian hinihintay na niya to.” May lumapit sa akin na crew at may iniabot na pagkain. Hinanap ko yung tinutukoy niya, nasa pool din malapit kanila Dylan at Aya. Naghanap ako ng pwedeng utusang iba kaso busy ang lahat maliban kay Lucas, ayoko naman na ito ang magdala baka pumalpak pa nakakahiya, kasalanan ko pa. Paano ba to?  Nagmamadali kanina yung kasama ko, sabi niya ibigay agad. Bahala na, dadaan pa man din ako kanila Dylan kaya ayaw kong pumunta kaso wala akong choice. “ Dito ka muna.” Bilin k okay Lucas para bantayan niya ang area ko. Relax Maxine, kunwari wala kang nakikita, huwag kang magpapahalata na nakikita mo sila at nandito ka. Crew ka lang dito, trabaho lang ang ipinunta mo dito. Yan ang mga naiisip ko habang naglalakad ako palapit sa babaeng pagbibigyan ko nito, maayos ang lahat malapit na ako kanila Dylan at Aya kaya nirerelax ko ang sarili ko na huwag mapansin ni Dylan dahil hindi naman niya alam na narito rin ako. Naibigay ko ng maayos yung pagkain sa babae ng hindi ako napapansin ni Dylan “ Pakibalik na lang.” may inilagay siyang drinks sa tray ko na hindi niya naubos kaya ibabalik ko na lang. Paglingon ko pa lang para bumalik ay nakasalubong ko si Dylan, nabigla siya at mas lalo ako kaya naman nakaapak ako ng basa at nadulas ako. Yung inumin natapon konte sa damit ng katabi ni Dylan na si Aya. Nako po. Hindi ko naman inasahan na magkakatitigan kami ni Dylan nung pabalik na ako, nataranta kase ako kaya kung saan saan na ako napaapak. Nasa gilid kase kami ng pool kaya may mga basing parte ng sahig. “ Pasensya na po.” Pinupunasan ko ang damit ni miss Aya, kahit konteng mantas lang ang nalagay. Nakakahiya parin dahil mahahalata yun lalo pa at nasa harap ng kanyang damit ang mantas. “ Umalis ka sa harapan ko.” Bulong ni miss Aya sa akin, halatang nagpipigil siya ng galit dahil ang daming nakatingin na tao ngayon sa amin. Hindi ako lumilingon kay Dylan, nakakahiya ito. Patuloy parin ako sa pagpunas ng damit ni miss Aya kaso tinapik niya ang kamay ko para patigilin ako, nakaluhod kase ako sa kanya habang pinupunasan ko siya kaya naman tumayo na lang ako dahil ayaw ata niya ng ginagawa ko. Babalik na lang ako sa pwesto ko o kaya hindi na magpapakita dito. Napatakbo ako kaso nga lang may naramdaman akong may humarang na paa sa daan ko, pakiramdam ko si Aya yun kaya natapilok ako at nahulog sa pool. Ang bilis ng pangyayari kaya naman ang bilis ko ring nahulog dahil hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Nakita kong ngumisi siya, siguradong sinadya niya akong patirin. Maldita ka, dapat sinama kitang mahulog dito. Marunong akong lumangoy kaso yung paa ko bakit hindi ko maigalaw? Natapilok pala ako bago mahulog kaya hindi ko maikampay ang mga paa ko. Malulunod na ako nito. Tulong! Tulungan niyo ako! Kinakampay ko ang mga kamay ko upang humingi ng tulong, wala na akong marinig, marunong naman sana akong lumangoy kaso hindi ko lang maigalaw itong isang paa ko. Dylan tulungan mo ako, alam kong nandiyan ka sa tapat ko. Nawawalan na ako ng oxygen, please lang tulungan niyo ako. Kinakabahan ako dahil baka dito na ako mamatay, hindi pa ako nag aasawa at nagkakaanak, ang bata bata ko pa tulungan niyo ko! Naramdaman ko na lang na may humila sa akin paangat, sa sobrang basa ng mukha ko konting mulat lang ng mata ang nagawa ko. Ang dami ng tao sa gilid ng pool, pakiramdam ko nakagawa ako ng matinding eksena ngayon. Nakakahinga na ako ng maayos, may malay pa ako kaso nanghihina ang katawan ko ngayon sa sobrang kaba ko kanina sa ilalim ng pool. Sa malalim na bahagi pa man din ako nahulog. Napatingin ako sa pwesto ko kanina at nakita ko si Aya at Dylan doon. Teka? Si Dylan nandoon? Ibig sabihin, hindi siya ang nagligtas sa akin? “ Lucas.” Banggit ko Buhat buhat ako ngayon ni Lucas, palayo sa lugar na yun, nakatitig lang ako ngayon sa kanyang mukha na basang basa rin. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Siya ang nagligtas sa akin. Yung ngiti niya hindi ko mapigilan mamangha, ibang iba ang ngiti niya nakakagaan ng pakiramdam, kusang gumalaw ang kamay ko at pinisil ang ilong niya ng mahina. Natutuwa ako sa kanya ngayon, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil iniligtas niya ang buhay ko.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD