Chapter twelve
MIRAYA’S POV’S
Nakakainis si Dylan, pilit lahat ng ipinapakita at halatang sukang suka ng tabihan ko siya. Ako pa talaga ang sasagot sa mga tanong sa amin habang siya? Nakangiti lang?
Buti na lang nakigame siya kanina kung hindi? Mapapahiya kaming dalawa.
Ang daming media ang narito kaya kailangan maganda ang imahe ko lalo at kasama ko si Dylan.
Matapos ang interview sa amin ay pumunta siya sa gilid ng pool kaya sinundan ko siya agad. “ Ano ka ba? Kailangan kasama mo ko palagi lalo ang daming media dito.”
Hindi siya umiimik
“ Hoy, Dylan umayos ka nga.”
Mahina lang ang pag uusap namin pero palingon lingon ako sa paligid upang walang makarinig. “ Makisama ka kahit ngayon lang kung ayaw mong pagpyestahan ng media.”
“ Alam ko yan.”
“ Kailangan maging sweet tayo dito”
“ No way.”
“ Ano ba Dylan.”
“ Aalis na ako.”
“ Dylan ano ba.” Bigla siyang natigilan na maglakad kaya naman itong tangang waitress ay natapon ang dala dalang inumin sa damit ko.
Nakakahiya! Ang dumi na ng damit ko!
Kung wala lang mga media dito kanina ko pa ito nasigawan at nasabunutan, punas siya ng punas sa damit ko hindi naman maaalis ang mantsa nito.
Nanginginig ako sa inis, gusto ko siyang saktan.
Si Dylan naman hindi man lang ako ipagtanggol, hindi man lang pagalitan itong waitress nakatitig lang siya dito.
Magkakilala ba sila bakit ganun ang titig niya? Parang gulat na gulat.
Di bale na, babawian ko tong tangang babaeng to, hindi ako mapapakali hanggat hindi ako nakakabawi, yan ang rule ko sa buhay.
Tumayo siya kaya naman nakakuha ako ng pagkakataon na patirin siya, gusto ko lang siyang mapahiya dahil pinahiya niya rin ako.
Kaso mas sobra pa doon ang nangyari.
Nahulog pa siya sa pool.
Natawa tuloy ako hahaha mukha siyang palaka ngayon, bahala ka diyan malunod walang tutulong sayo.
Kasalanan mo yan dahil pinahiya mo ako kaya mapahiya ka rin ngayon, kailangan mo ilugar ang sarili mo lalo pa at sikat pa ang pinapahiya mo kahit sabihin na nating hindi niya sinadya.
Dapat nag iingat siya.
Tinignan ko si Dylan, parang gusto niyang tulungan yung babae kaso may tumalon na sa pool para tulungan siya.
At pagkaahon nila, ang daming natuwa dahil ligtas siya.
Tsk, wala akong pakealam diyan, basta ang mahalaga sa akin ay nakabawi ako, yun lang. Hindi nila napansin ang paa ko na pumatid sa babaeng yun, sanay na akong gawin yan lalo sa mga kumakaaway sa akin.
“ Bakit mo ginawa yun?” tanog ni Dylan sa akin
“ Ang alin?”
“ Pinatid mo siya!” sinisigawan na niya ako ngayon, napatingin ako sa paligid nakatingin na silang lahat sa amin ngayon.
“ Anong sinasabi mo?”
“ KItang kita ko pinatid mo siya.”
Nakakahiya bakit pinagsisigawan pa niya? At bakit siya nagagalit? Jowa ba niya yung tangang babaeng yun eh hindi naman?
Akala ko walang nakakita meron pala at si Dylan pa talaga.
“ Hindi ko ginawa yun.”
“ Miss Aya halika na, pinagtitinginan na tayo.” Mabuti na lang lumapit yung manager ko.
“ Ayusin mo ang gulong to.” bulong ko sa kanya
Hinila na ako ng manager ko kaya umalis kami ng maayos, hindi ko pinahalata na guilty ako, walang hiya ka Dylan binuko mo pa ako at pinagsigawan mo pa?
Ano? Nakakuha ka ng magandang tsempo para pahiyain ako?
Ang sakit nun ah.
“ Kainis!” sigaw ko ng nasa sasakyan na ako.
“ Gusto mo ba ng tubig miss Aya?”
“ Ayoko!”
Nanggigili ako dahil natapunan na nga ako, tapos pinapahiya pa ako ng partner ko sa showbiz, kahit ayaw niya sa akin huwag naman sana niya akong ipahiya sa lahat.
“ Aayusin ko po yan miss Aya.”
“ Dapat lang! Mabait ang imahe ko sa media at sa lahat tapos pag uusapan nila ako na nampatid ng isang waitress? Kaya dapat ayusin mo agad yan! anong silbi mo kung masisia ang image ko dahil sa waitress na yun!”
“ Ako na po bahal, kaso si sir Dylan po kase.”
“ Isa pa yan, dapat mabait siya sa akin at hindi niya ako pinaphiya dahil couple kami sa showbiz tapos ganito gagawin niya? Edi ano na lang iisipin nila sa akin?”
“ Kumalma ka muna miss Aya, ako na aayos ng gulo na to, papabanguhin parin natin ang image mo sa mga tao.”
“ Marami pa man ding media kanina, tapos pagbibintangan ako na nampatid.”
“ Pinatid mo naman talaga diba?”
“ Sasabat ka pa? Gusto mo matanggal sa trabaho?”
Sa lahat ng ayaw ko ay yung pinagmumukha nila akong masama, sila naman ang masama dahil tanga naman talaga yung waitress.
Bumawi lang ako.
Mabait ako sa lahat kaya hindi pwedeng maging masama ako ngayon at ang nakakainis pa, yung Dylan na yun hindi nakisama sa akin.
Umalis na lang kami sa venue.
Baka kung ano pang itanong sa akin, lumabas pa sungay ko mahirap na.
******
DYLAN’S POV’S
Nabigla ako ng magkatitigan kami ni Maxine, hindi ko siya inaasahan dito, mukhang nagpart time nanaman siya kaya siya narito.
Nadulas siya kaya natapon niya yung dala niyang juice kay Miraya, kaso nga lang itong babaeng to wala talagang manners.
Pinatid niya si Maxine at kitang kita ko yun, nahulog siya sa pool bigla.
Sa sobrang bigla ko hindi ko siya agad natulungan, lulusong na sana ako sa tubig kaso nga lang may isang lalakeng tumulong sa kanya.
Sino yun? katrabaho niya rin?
Hindi ako nakagalaw dito hanggang sa maihaon na si Maxine ng tuluyan sa pool, wala akong silbi, ang tanga ko.
Nagdalawang isip akong tumulong? Dahil napkaraming media dito at hindi ko kase mapigilan ang damdamin ko.
Nalilito na ako kung anong gagawin ko, baka malaman nila kung ano kami ni Maxine kaya naman nag alangan akong tumulong.
Nagpigil pa ako kainis! Wala kang silbi Dylan!
Sa sobrang inis ko ay kay Miraya ko ito binuhos, siya naman talaga pulot dulo ng lahat ng ito, napahiya si Maxine dahil sa kanya.
Humingi na siya ng tawad sa nangyari sa kanya kaso pinatid pa ulit niya si Maxine para mahulog sa pool.
Sinadya niya yun para mapahiya si Maxine, ganun ang ugali ni Miraya kaya ang daming may ayaw sa kanya sa showbiz.
Kaso mabait siya kapag sa ibang tao, nagkukunwaring mabait para kaawaan siya dahil ang ibang babae sa showbiz ay pinagtutulungan siya.
Alam kase nila ang ugali niya, tinatago lang niya ang mga sungay niya sa likod ng kabaitan niya sa mga fans niya.
Hindi ko na nasundan si Maxine.
“ Dylan anong nangyari? Bakit mo pinahiya si miss Aya, alam mo namang napakaraming media dito.” Biglang lumapit sa akin si Jingle.
“ Im sorry, hindi ko napigilan magalit kanina.”
“ Kung sabagay nakita ko nga na kasama niyo kanina si Maxine, ano? Kamusta na siya? Nasaan na si Maxine?”
“ Hindi ko alam.” Hiyang hiya akong magpakita sa kanya lalo pa at hindi ko siya natulungan.
“ Teka, ako na lang ang maghahanap sa kanya, ichecheck ko kung okay ba siya, diyan ka lang Dylan.”
Nasa may gilid na ako ng sasakyan ko, umiwas na ako sa media kanina pa ng umalis si Miraya, hindi ko napigilan ang galit ko.
Kaso, wala parin akong nagawa para maipagtanggol siya at mailigtas.
Ako yung boyfriend niya ng ilang tao tapos hindi ko man lang siya nagawang alisin sa kahihiyan, ang tanga ko talaga, napakawalang kwenta.
Ilang minuto akong naghintay kay Jingle, pagpyepyestahan ako ng media kapag nasa labas ako ng sasakyan.
“ Nasaan siya? Maayos na ba siya?”
“ Teka naman uupo muna ako.”
“ Magdiet ka kase.”
“ Che!” Malaki ang katawan ni Jingle, kumpara sa katawan ko “ Ang lungkot ng mukha ni Maxine ngayon, buti na lang hindi siya nalunod.”
“ Hindi ko naman hahayaan na mangyari yun, naunahan lang ako.”
“ Mabuti nga at nandoon yung pinsan niya.”
“ Pinsan? May pinsan ba siya?”
“ Yung nagligtas sa kanya, pinsan niya yun diba? Hindi mo ba kilala?”
Pinsan? Parang ngayon ko lang nakita yung lalakeng yun sa buong pagsasama namin ni Maxine, paano niya naging pinsan yun?
“ Ang sabi niya sa akin malayong kamag anak, ah basta pinsan daw niya yun.”
Wala akong matandaan na may pinakilala siyang pinsan sa akin at wala naman siyang mga kamag anak na malapit sa kanya.
“ Kailangan na natin umalis, may shooting ka pa bukas Dylan kaya kailangan mo magpahinga ng maaga.”
“ Sige na.”
Napatingin na lamang ako sa labas ng sasakyan, nahagilap ko si Maxine kasama yung lalakeng nagligtas sa kanya.
Hindi pa talaga niya naipakilala sa akin ang lalakeng yun dahil ngayon ko pa lang ito nakita, kaya paano niya magiging pinsan?
Kilala ko ang mga taong malapit kay Maxine pero itong lalakeng nagligtas sa kanya, ngayon ko lang nakita.
Hindi kaya? Niloloko na ako ni Maxine? Tinatago niya lang na pinsan niya ang lalake na yun kahit na ang totoo ay ipinalit na niya sa akin?
Hays, kainis sana hindi totoo itong hinala ko.
“ Anong iniisip mo diyan, huwag ka mastress papangit ka sige ka, hindi ka na makakasali sa nomination ng best actor kapag pumangit ka.”
“ Don’t bother me Jingle, nababahala na nga ako kay Maxine ganyan ka pa.”
“ Maayos na siya kanina at sabi niya sabihin ko yun sayo.”
“ Alamin mo nga kung sino talaga yung lalake na nagligtas kay Maxine.”
“ Aba, curious ka ah, selos?”
“ Gawin mo na lang inuutos ko.”
“ Sab inga kase niya pinsan bakit hindi ka maniwala.”
“ Iba kutob ko kaya gusto ko malaman kung sino ang lalaking yun.”
“ Okay fine sige, madali lang yan para makampante ka na diyan.”
Nakabalik na ako sa condo ko pero hindi parin mawala sa isip ko si Maxine at yung sinasabi niyang pinsan niya.
“ Hi Dylan.”
“ Aya? Bakit nandito ka? Paano ka nakapasok?”
“ Malamang naman marami akong paraan para gawin yan.”
Gago ba to? Paano siya nakapasok sa condo ko? Paano niya nakuha yung password ng pinto? Bwisit! Mukhang si Jingle ang dahilan.
“ Anong ginagawa mo dito?”
“ Hindi ka talaga hihingi ng tawad sa akin?”
“ Bakit ko gagawin yun?”
“ Ang tigas mo rin, okay fine, humingi na ako ng tawad sa babaeng nahulog sa pool kanina, masaya ka na ba?” may ipinakita siya sa sa akin na litrato na nakikipag usap kay Maxine.
Tsk, para lang linisin ang pangalan kailangan pa talaga niyang ipakita sa social media?
Kung sincere siya dapat hindi na niya inilabas sa media.
“ Umalis ka na kung ganun, ikaw ang may kasalanan kaya ikaw ang humingi ng tawad.”
“ Dylan!”
“ Alis.”
“ Pinahiya mo ko tapos hindi ka hihingi ng tawad sa akin?”
“ Dapat lang sayo yun, alis na.”
Pinagbuksan ko siya ng pinto para umalis, kailangan ko nanaman magpalit ng password para hindi na makapasok si Miraya dito basta basta.
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dahil hindi naman siya welcome sa condo ko.
Gusto ko magpahinga at ayoko ng may kagaya niyang umaaligid dito.
Tinawagan ko si Jingle at tama nga ang hinala ko, tinakot siya ni Miraya para malaman ang password ko dito sa condo.
May saltik ata yung babaeng yun at palaging ako ang pinagdidiskitahan?
Lumalayo na nga ako sa kanya kaso itong manager ko kase kainis napipilitan ako na lumapit kay Miraya ng dahil sa kanya.
Ang hirap ng nasa showbiz, hindi malalaman ng mga fans kung totoo ba ang pinapakita ng mga idolo nila sa harap ng camera.
Kami ni Miraya? Peke ang pinapakita naming dahil may girlfriend ako.
At kapag nalaman ni Miraya yun siguradong hahanapin niya kung sino ang girlfriend ko, baka ipahiya pa niya dahil kami na ngayon ang pausbong na showbiz couple dahil sa movie na ginawa namin noon.
Gusto ng mga fans namin na ligawan ko siya kaso paano ko gagawin yun, nakakasuka ang ugali niya at hindi ko siya type.
Kung siya din lang ang magiging girlfriend ko? Magquiquit na lang ako sa showbiz.
Hinahayaan ko na lang na ipares nila ako sa kanya kahit na nakakairita siya, para lang hindi masira ang pangalan ko.