"Hindi ka ba makatulog, Mahal?" "Nakaidlip na ako kanina, Mahal. Ngunit maaring namamahay lang kaya't nahirapan nang bumalik sa pagtulog. Ikaw, bakit gumising ka na? Ilang oras pa lang bago tuluyang magliwanag." "Kagaya mo ay nakatulog na ako, Mahal. Ngunit naramdaman kong nakatitig ka sa akin. Since hindi na tayo makatulog ay sa balkon na lang tayo. Maganda pa namang pagmasdan ang kumukuti-kutitap na mga ilaw. Mas lumamig na rin ang simoy ng hangin kaysa kahapon pagdating natin dito." "Alam kong naninibago ka lang sa klima rito, Mahal. Ngunit kung kagaya kong nagmula rin dito sa Baguio ay normal na ito sa akin. Kaya't huwag kang magalit sa akin kung sasabihin kong dito na lang muna tayo. Dahil ayaw kong magkasakit ka ng dahil sa paninibago mo sa lamig," aniya. "Grabe ka namang mag-bab