MAKALIPAS ng ilang buwan... "Wala pa rin bang balita kung nasaan ang dalawa, honey?" tanong ni Ginang Jannelle sa asawa. "Wala pa, Honey. Sa kabila ako nanggaling at napag-alaman kong kahit sina Khalid at Antonette ay umupa na rin ng PI upang ipahanap sila." Napabuntunghininga si Ginoong Pierce Wesley dahil sa usapan nilang mag-asawa. "MUKHANG nakalayo ang imahinasyon mo, honey? Do you feel sorry for them now?" tinig ng asawa ang nagpabalik sa imahinasyon niyang totoo namang naglayag na. "Totoo iyan, Honey. Hindi ko ikakailang nahahabag din ako sa kanila. Kahit edukado si Reynold Wayne ay walang kasiguraduhang makapasok siya agad ng trabaho at ito na nga ang sinasabi nating mas magandang matapos muna ni Adel ang pag-aaral kaysa ang magsama silang hindi pa nakatapos," pahayag niya. "