Naka-simangot akong humiga sa kama. Si Thaddeus ay nagbibihis. Nakakainis kasi! Gusto ko ng mangga tapos ayaw niya ko bigyan, gabi na daw! Inaatake na ako ng paglilihi ko. Nag-taklob ako ng unan sa mukha at mahinang humikbi. Gusto ko talaga ng mangga tapos isasawsaw ko sa gravy. Patuloy parin ako sa pag-hikbi. Naramdaman kong lumubog ang unahang bahagi ng kama kung saan ako nakahiga. Alam kong si Thaddeus 'to. Nang hawakan niya ako ay inalis ko ang kamay niya, "Ano ba." Narinig ko siyang mahinang tumawa, humikbi uli ako at mas lalong ibinaon ang mukha sa unan. "Baby, gabi na baka sumakit ang tiyan mo," aniya. "Bahala ka, sabi sa akin ni Mama dati nakukunan daw kapag hindi nakain ang gusto," totoong sabi ko. Suminghap siya at maya maya pa'y narinig ko ang pag-kuha niya ng susi at