Shock parin ako habang kumakain kami. Si Thaddeus ay akala mo higad na nakakapit sa akin. Kanina ko pa kasi siya hindi pinapansin, na-shock ako e! "Baby, please. Pansinin mo na ako," pang-ilang ulit niya na ba sinabi 'to? Bumuntong hininga ako at tinignan siya, "Na-shock ako," sabi ko. Ngumuso siya at lalong nagsumiksik sa akin. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi, "Ikaw kasi nang-bibigla ka! Nakakainis ka!" sabi ko at ngumuso. Tumawa siya at hinalik halikan ang aking pisngi, "Sweetheart, those fucktards said to me na baka daw maagaw ka sakin kaya nag-confess na ako," sabi niya at tinuro ang mga kaibigan niya. Tumawa ako at hinalikan ang kaniyang labi, "Anyway, I like you, too," Humagikgik ako ng makita ang kaniyang reaction. Nakanganga siya at shock na shock na nakatingin sa akin.