Nandito ako sa walk-in-closet ni Thaddeus. Muntik pa nga akong mapanganga nang makita ko ang mga designer clothes doon. Sa tantiya ko ay kasing laki na ng apartment na tinutuluyan ko dati ang closet na 'to. Punong puno pa ng damit at iba pa. Tinignan ko ang isang aparador doon at binuksan 'yon, halos malaglag ang panga ko nang makita ang sandamakmak na relo. Gosh, really? Isang aparador? Ugh, rich! May mga t-shirt, boxers, briefs, trunks ang nandito. Pati na din mga three piece suit at neck tie. May mga kwintas din doon at singsing. And it's freaking gold! A true gold, gosh! Lumabas na ako doon dahil hindi ko ma-take ang kayamanan niya, parang sinampal lang sa akin na hampas lupa talaga ako. Paglabas ko ay nakita ko si Snow na natutulog. Yakap yakap niya ang unan ng ama. Bahagya pang