Busy ako sa panonood, si Thaddeus ay tulog parin sa taas. Iniwan ko na doon dahil nagluto pa ako. Si Snow ay paniguradong tulog pa din. Nakain ako habang nanunuod. Engross na engross ako sa palabas to the point na hindi ko namalayanna may nakapasok na tatlong gwapo! Sila ata 'yong dati na kasama nila Faith. "Hi Miss," bati sa akin ng isa. Kumindat ito kaya ngumiwi ako. Playboy, tss. "Uh, si Thaddeus ba ang hanap niyo?" tanong ko. Tumango sila. Halatang mayaman sila dahil sa suot at sa mga relo. Nagkikintaban e. "Gigisingin k--." "What are you doing here, fuckers?" Napalingon ako sa likod, nandoon si Thaddeus. Naka-boxer lang siya at magulo pa ang buhok. Nang makalapit siya sa akin ay hinapit niya ang aking bewang saka ako binulungan, "Good morning." Ngumiti ako, "Good morni