BRIX POV. HAWAK ko ang information ng pinsan ni Alias. “Lynne David Lustre, anong maibibigay mo sa aking assurance upang ipagkatiwala ko sayo ang aking anak?” “Wala.” “Kung iyan ang sagot mo bakit ka pa nag apply bilang bodyguard ng anak ko?” nakaramdam ako ng inis sa pagka antipatika ng babaeng ito. Kung anong ganda ng panlabas ay mukhang may pagka masama ang ugali. “Nariyan ang information ko, kung hindi ka satisfied sa nababasa mo ay aalis na ako.” “Get out!” hindi ko kailangan ng ganyang klaseng pag-uugali!” Nang mawala sa paningin ko ang babae ay napasandal ako sa aking inuupuan. Hindi nagtagal ay pumasok ang aking bodyguard, hindi ito nagsasalita bagkus ay nakatayo lang sa harapan ko. “I don’t like her, humanap ka ng iba.” inis pa rin ako sa pinsan ni Alias. “Pasensya Sir GB