BRIX POV. PAWISAN akong nagising dahil sa napakasama kong panaginip. Kaya agad na ininom ang tubig na laging nasa side table ng aking kama. Parang totoong totoo ang panaginip na yon, ang luhaan mukha ni Mrs. Em Em, na humihingi sa akin ng tulong. Nakaluhod ito at puno ng pasa ang buong katawan. Ang boses na nanginginig, namamalat at hawak ang kaliwang dibdib dahil nahihirapan sa paghinga. “Dude, ayos ka lang ba?” sa aking narinig ay bigla akong nakaramdam ng relief. Nang lumingon ako ay naroon ang kaibigan kong si Bart. “P-Pare, ayos lang ako.” “Related ba sa nakaraan mo ang iyong napanaginipan?” “Hindi, tungkol iyon sa ina ni Gabbi. Napakasama na panaginip, at parang totoo. “Hindi ba at pinapa imbestigahan mo na siya?” “Oo, pero kahapon lang nag punta doon si Detective Allan Ruiz.”