MILES POV. WALA akong magawa kundi iyakan ang kinasapitan ko. Magsisi man ako ngayon ngunit wala ng magagawa pa. Kung hindi ako nag padalos dalos ng desisyon hindi sana nangyari sa akin ito. Sana lang huwag pabayaan ni Brix, ang aking anak dahil sa sitwasyong aking kinasangkutan ay wala na akong chance na makalaya pa. “Huwag kang tumumunganga riyan! Mag ayos ka ng sarili mo at darating ang mga investors. Tandaan mo ang mga bilin ko, walang dapat makahalata sa kanila! Once na umatras sila ay masasaktan ka na naman!” “O-Oo,” at agad akong tumakbo papasok sa aking kwarto.” sinikap kong maitago ang aking mga pasa sa pamamagitan ng make up. Tama, dapat kung sundin ang mga utos ni Billy, kundi ay bugbog na naman ang aking katawan. Hawak ko ang mga proposal na mismong si Billy, ang gumawa. It