BRIX POV. KOREAN restaurant, iyon ang nakalagay sa ipinadala na mensahe ni Alias, sa pinsan nitong si Lynne. Nakalagay din sa instructions na hindi ito maaaring maupo sa tabi ng table na inuupuan naming dalawa. Upang walang makaalam na sa akin nagtatrabaho ang babaeng yon. At kaya doon ito pinapunta dahil walang masyadong customer sa mga oras na iyon. “Nariyan na siya, Sir GB." "Tell her na sa tabing table natin siya maupo.” “Okay.” at mabilis na nag type sa cellphone si Alias. Hindi nagtagal ay pumasok ang isang babae. At na upo sa kanang bahagi ng katabing table. Saka ko pa lamang namukhaan ito ng mag alis ng shades. Ibang iba noong araw na nag apply ito na hindi ko tinanggap dahil sa pagka antipatika. Kabaligtaran ng nakikita ko ngayon, isang mukhang inosente sa ayos nito. Pero hin