BRIX POV. ANG sabi sa email na galing mismo kay Detective Allan Ruiz, ay tatagawan niya raw ako upang ipaalam ang sitwasyon sa Canada. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag. “Baka naman busy lang Sir GB, kaya hindi makatawag sa mga oras na ito. Maghintay hintay pa tayo at baka bago matapos ang araw na ito ay kokontak din iyon sa iyo.” “Hindi na ako makapaghintay sa ibabalita niya sa akin.” wala akong narinig mula sa aking bodyguard. Sabay pa kaming na patayo ng tumunog ang landline. “Ikaw na Sir GB, sigurado si Detective Ruiz na yan.” sa aking narinig ay mabilis kong dinampot ang cordless at sinagot iyon.” “Nasa paligid mo lang ang taong iyong hinahanap, nagsasayang ka lamang ng panahon at pera.” “Hello, sino ka at anong sinasabi mo?” “Pinaiikot ka lang ng taong kalaba