MILES POV. HINDI ako makagalaw sa pagkabigla dahil sa taong kaharap ko. Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ko na darating ang araw na ito. “Hindi mo ba inaasahan na makikita pa akong muli, Mrs. Em Em? Akala mo siguro ay matagal ng natunaw ang katawan ko sa ilalim ng lupa?" “Bakit ko naman yon iisipin ay hindi nga kita kilala huh!” pagkukunwari ko sa harapan niya. “Wow! Kailan ka pa nagkaroon ng amnesia? At hanggang kailan mo kakayanin na mabuhay ng ganyan na mina-manipulate ng ibang tao lalo na ng sarili mong ina!” “Wala akong alam sa sinasabi mo, kaya pwede ba umalis ka na?” “Tandaan mo ang sasabihin ko, huwag kang magkakamali na akitin siya. Alam mo ang maaaring mangyari sa ating dalawa. Tama na ang ginawa nyo sa akin noon, pero para sabihin ko sayo na sa pagkakataong ito ay hind