BRIX POV. SA isang Italian restaurant ay naghihintay kaming dalawa ni Alias. Tumagawa na si Detective Allan Ruiz, may dala na raw itong result. Kaya naman ay mas maaga kaming dumating doon dahil hindi na ako makapaghintay. “Magandang araw, Sir GB, narito ang kailangan mo. Ito ang suklay niya na kailangan mo para sa paternity test at ang voice recorder na nilagay ko sa living room at kwarto ni Mrs. Em Em.” Agad kong inabot ang, suklay, SD card at ang cellpone ni Detectiver. Dahil hindi ko na mahintay na sa bahay pa iyon pakikinggan. Kaya doon pa lamang sa cellphone ni Detective ay nakinig na ako. Naka-loud speaker iyon kaya naririnig din ng aking bodyguard na si Alias. At matapos kung mapakinggan ay sumiklab ako sa galit. Ibig pa lang sabihin ay hindi talaga si Mrs. Em Em ang tunay na Mac