MILES POV. NAGISING ako sa pangangalay ng aking kamay. At nang akmang aangatin ko iyon ay hindi ko maigalaw. Kaya naman pala ay may nakadagan. Unti-unting bumalik sa aking isipan ang mga nangyari. Luminga ako sa paligid at nakita kong nakatayo doon si Alias at Bart. Tahimik lang silang nakamasid sa akin at maya maya pa ay narinig ko ang pagbati nila. Tumango na lamang ako sa kanila bilang pasasalamat. Dahan dahan kong hinila ang aking braso na kinagising ni Brix. “M-Macy, k-kumusta ang pakiramdam mo?” nakita ko sa mukha niya ang pagod at pag-alaala sa akin. “Ayos lang,” at bahagya ko siyang nginitian. “Ahm, si Baby, naroon siya sa incubator. Pansamantala ay kailangan raw niyang mag stay doon.” imporma niya sa akin, meron akong nasasalamin sa mukha niyang kasabikan. Parang mas marami