BRIX POV. NARIRITO ako sa mall kasama ko si Alias at Bart. Halos umapaw na ang dalawang cart sa dami ng pinamili namin para sa anak kong si Blaze Emmanuel. Kahit hindi ko sigurado kong lahat ng binili ko ay magagamit at kakasya sa kanya. Excited lang ako dahil unang beses ko itong naranasan. “Dude, sobrang dami na ng lahat ng ‘to. Sigurado ka ba na masusuot pa itong lahat ng yong anak?” “Oo naman, at kaya ganyang karami ng hindi na kailangan maglaba.” “Ano? Ibig mong sabihin pagkakatapos gamitin ay itatapon?” “At sinong maglalaba, wala naman tayong kasambahay?” “Bakit kasi ayaw mong kumuha, kahit isa lang na maaaring pagkatiwalaan.” “Ilang beses na tayong kumuha ‘di ba? Pero anong nangyari ninakawan at nilalandi lang nila ako.” “May edad na babae ang kunin mo upang hindi ka landii