Chapter 4

1517 Words
Kimberly Marquez BAKIT nga kaya may mga pagkakataong tila pinaglalaruan tayo ng tadhana? Bakit nga ba kailangan pa nating makita ang mga taong nais nating iwasan at itanim na lang sa limot? Ganitong-ganito ang nararamdaman ko ngayon. Paano ba naman? Iyong mayabang s***h manyak s***h feeling guwapo na si Seven Hunk Perez ay anak lang naman ng matalik na kaibigan ng mama ko. How cool was that? Ang dami ko na ngang problema, makakasama ko pa sa iisang bubong ang lalaking iniiwasan kong makita. Isang malalim na buntonghininga ang aking ginawa habang nakaupo rito sa sofa ng sala nila Tita Martha. "Grabe! What a coincidence. Hindi ko akalain na magkakilala pala kayo ni Seven. Hindi lang magkakilala, classmate pa, ang saya naman!" excited na wika ni Tita Martha na labis na nagpatayo sa aking balahibo. Anong masaya roon? Hindi niya ba alam kung gaano kasama ang ugali ng anak niya? "Anyways," muli niyang wika, saka pinatong ang kamay sa balikat ni Seven na ngayon ay nakaupo sa kanyang tabi habang nakahalukipkip. "Mabait naman itong si Seven, tutal magkasama naman na kayo sa iisang school, magsabay na lang kayo sa tuwing pumapasok, okay?" Napangiwi na lang ako dahil sa suggestion ni tita. Magpaupo nga sa bus hindi niya magawa, sasabay pa ako sa kanya pagpasok? Over my beautiful and sexy body! "Maraming salamat talaga, Martha. Hayaan mo kapag nakahanap na kami ng malilipatan, tatanawin naming malaking utang na loob ito sa inyo," rinig kong wika ni Mommy. "Ano ka ba naman, wala iyon." Ngumiti ang dalawang magkaibigan sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit, ngunit sumilay ang ngiti sa aking labi habang minamasdan ko sila. Sana magkaroon din ako kaibigan na katulad ni Tita Martha. *** Matapos ang mahabang kuwentuhan, tinuro sa amin ni tita ang aming magiging silid at iniikot sa buong mansion. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni tita Martha dahil hiniwalay pa niya ang silid ko kanina mama at papa. Ayos lang naman sa akin na kasama sila, mas maayos pa nga iyon dahil mas komportable ako. Ngunit ang katuwiran ni tita, para raw mas makapag-focus ako sa pag-aaral. *** Binuksan ko ang dim light ng lampshade na nakapatong sa aking lamesa. Matapos akong mag-ayos ng aking silid at nilagay ang mga damit sa kabinet, kinuha ko ang aking libro at ballpen. Pinatong ko ito sa lamesa katabi ng lampshade, saka binuksan ang aking libro at nagsimulang magbasa. Hindi pa man nakakaisang oras ang aking pag-aaral, may kumatok na sa aking pintuan. "Anak, gising ka pa ba?" wika ni mommy sa likod ng pinto na ito. "Opo, Ma. Pasok ka," tugon ko. Narinig ko ang pagpihit ni mommy sa pinto at ang ang marahang pagsara nito nang siya ay tuluyang makapasok sa loob. "Anong ginagawa mo, Anak?" "Nagbabasa-basa po, Ma. Para ma-relax ang isip ko." Tumango lang si mommy saka ngumiti. Kumuha siya ng isang silya at umupo sa aking tabi. Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang aking balikat, saka pinatong ang kanyang ulo rito. "May problema po ba, Ma?" nag-aalala kong wika. "Wala naman, anak. Nalulungkot lang ako dahil kailangan mong pagdaanan ang mga bagay na ito. Kailangan pa nating makitira sa ibang tao." Maingat akong gumalaw saka tumitig nang diretso kay mommy. "Ayos lang po, Ma. Ang importante magkakasama tayo at lahat tayo ay nakaligtas sa trahedyang iyon," wika ko kay mommy na sana kahit paano ay nagbigay kapanatagan sa kanya. Marahang hinawakan ni mommy ang aking ulo saka niyakap palapit sa kanyang dibdib. "Salamat sa malawak na pang-unawa, Anak. 'Wag kang mag-alala, kapagnakaluwag tayo, hahanap na tayo ng matutuluyan." Isang mahigpit na yakap ang binigay ko sa aking ina, saka tumugon sa kanya. "Opo, mommy." Matapos ang mahabang kumustahan at kwentuhan, lumabas na rin si mommy mula sa loob ng silid upang hayaan akong makapagpahinga. Ngunit tulad ng madalas kong gawin, mas pinili ko munang magbasa upang makatulog. Ngunit maya-maya lang, tila isang tunog ng bola na tumatalbog sa pader ang nagpaputol sa aking pagbabasa. Kumunot ang aking noo at pinakinggan itong mabuti. Nanggagaling ang tunog na ito sa kabilang silid at naggagawa ito ng ingay. Alam kong wala akong karapatang magreklamo kaya hinayaan ko na lang muna ito at pilit na pinagpatuloy ang pagbabasa. Ngunit habang tumatagal palakas nang palakas ang ingay na nagmumula sa kabilang silid. Baka naman si tito lang ang nasa kabila. Ayokong mangialam, kailangan ko na lang pilitin ang sarili na makapag-focus. "Three points!" Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang marinig ang malakas na sigaw na iyon sa kabilang silid. Noon ko napagtanto na ang tinig nito ay isang lalaki at hindi ako nagkakamali, si Seven ang lalaking iyon at pakiramdam ko, alam niyang nandito ako sa kabilang silid. Isang buntonghininga ang ginawa at pilit na inaalis ang aking isip sa mga naririnig ko. Ngunit sa paglipas ng oras, palakas lang ito nang palakas. Napahilamos na lang ako ng aking kamay sa mukha at sa sobrang inis ko, padabog akong bumaba sa aking silya, saka lumakad patungo sa pinto ng aking silid. Agad kong hinawakan ang doorknob at tuluyang lumabas sa aking kwarto. Nakapaweywang akong tumayo sa tapat ng silid ni Seven saka nagbigay ng malalakas na katok sa kanyang pinto. Maya-maya lang, narinig kong tumigil ang ingay na nagmumula sa loob. "Hoy! Kung ayaw mong matulog magpatulog ka, ha!" sigaw ko sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis sa tapat ng kanyang pinto nang maramdaman ko ang pagbukas nito. "May problema ba?" tanong niya sa akin. Mariin akong napunok nang makita siya. Wala siyang damit pang itaas dahilan upang makita ang kanyang katawan. "Ano ka ba, p**n star? Bakit ba lagi ka na lang nakahubad?!" iritable kong wika. Tinapunan niya lang ako ng malamig na tingin na animoy hindi interesado sa aking sinasabi. Hanggang sa maya-maya lang, gumalaw ang kanyang mga mata at tumingin sa aking paa, hanggang sa aking ulo. Gamit ang aking mga braso, tinakpan ko ang aking dibdib dahil baka kung anong bagay ang iniisip niya sa akin. Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi na animoy nag-smirk. "Sige na, matulog ka na," malamig niyang wika sa akin saka sinara ang pinto ng kanyang silid. Hindi pumasok sa aking isip ang kanyang sinabi. Ngunit wala akong nagawa kung hindi ang bumalik na lang sa aking silid. Sa muli kong pagbalik sa silid, saglit akong nakiramdam saka ko napagtanto na tuluyan nang tumigil ang ingay na kanyang ginagawa. Mabuti naman kung ganoon. Pinagpatuloy ko ang aking pagbabasa hanggang sa maya-maya lang, nakaramdam na ako ng kaunting antok. Sinara ko ang libro na aking binabasa saka nagtungo sa aking kama at tuluyang nahimbing sa pagkakatulog. *** Kinaumagahan, agad akong nag-ayos ng aking susuotin dahil kailangan ko nang pumasok, mabuti na lang at may natira pang damit sa akin at ang iba ay naisalba pa noong natupok ng apoy ang aming bahay. Nang matapos ako sa ginagawa, agad akong nagtungo sa salas kung saan naroon naguumagahan sila mommy. Nandoon din ang nanay ni Seven at siyempre, nandoon din ang antipatikong lalaki na iyon. Sinimulan kong lumakad patungo sa hapagkainan, saka umupo roon. "Good morning, Kim. Kumain ka na at sabay na kayo ni Seven sa pagpasok," wika ni tita Martha. "K-Kaya ko naman po magbyahe," tugon ko. "Ay, oo naman, hija. Kasi magbabyahe naman talaga kayo," nakangiti niyang tugon. "Ang totoo gusto ko sana kayong ihatid sa school kaso itong si Seven, ayaw ng ganoong scenario sa tuwing pumapasok sa school. Mars, ayos lang ba iyon?" paghawak ni tita Martha sa kamay ni mommy. "Naku! Oo naman, mas kampante ako na pumasok si Kim na may kasama, kaysa magbyahe siyang madalas na mag-isa." "Tama, tama!" Tila nagkakasundo ang dalawang ito dahil wagas pa ang ngiti sa isa't isa. Ito talagang si mommy. Pero ayos lang dahil mas kampante ako na may kasama rin siya rito. *** Nang matapos akong mag-umagahan, isang halik ang iniwan ko sa pisngi ni mommy at ni daddy, saka ako nagpaalam at tuluyang lumabas ng bahay. Sinimulan kong lumakad sa loob ng executive subdivision na ito at talagang ramdam mo ang pagiging tahimik. Maya-maya lang, narinig ko ang yabag ng paa na mula sa aking likuran. Agad akong lumingon at hindi nga ako nagkamali, si Seven nga ang lalaking sumusunod sa akin. Nakasuot siya ng head phone at tila walang pakialam sa paligid, basta diretso lang siyang lumakad at nilampasan ako. Nakatanaw lang ako sa kanyang likod mula sa malayo. Hindi ko alam kung bakit, ngunit sa tuwing nakikita ko siya, kumukulo talaga ang aking dugo. Alam kong wala naman siyang masamang ginawa sa akin at sa ngayon, napagtanto kong aksidente lang ang paghawak niya sa aking dibdib, pero kahit na! Ang awkward pa rin kasi, knowing na magkasama pa kami sa bahay, gosh! "Aray!" Dahil sa paglipad ng aking isip, hindi ko namalayan na tumigil na pala si Seven sa paglalakad, dahilan upang tumama ang ilong ko sa kanyang likod. "Tatanga-tanga kasi," malamig niyang wika saka ako tinapunan ng malamig na tingin. Shuta! Antipatiko talaga ang lalaking ito! Naku... Ngayon naalala ko na kung bakit kumukulo ang dugo ko sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD