Chapter 5

2107 Words
Kimberly NANLAKI ang aking mga mata nang makita ang isang mabilis na motor na dumaan sa aming harapan. Halos tumalon palabas ng aking dibdib ang puso ko dahil sobrang lapit nito sa amin. Kung hindi siguro tumigil sa paglalakad si Seven, baka pareho kaming nahagip ng motor na iyon. Nagsimula siyang maglakad nang mapagtantong wala nang sasakyan ang dumadaan sa paligid. Maya-maya pa, nakarating na rin kami sa bus station. Sabay kaming umupo sa bench na nasa waiting shed ngunit sa magkabilang dulo. Iritable pa rin ako sa kanya dahil sa kanyang ginawa. Upang mawala ang aking inis, kinuha ko sa bag ang aking earphone saka nilagay sa aking tainga. Pinatugtog ko ang paborito kong kanta at marahang ipinikit ang aking mga mata upang mas madama ang musika. Hindi ko na namalayan ang oras, naputol na lang ang aking pakikinig nang may tila may mahinang busina ang sumisingit sa paborito kong music, kaya naisipan ko nang ibukas muli ang talukap ng aking mga mata. Nagulat ako nang makita ang bus na nakatigil sa tapat at bumubusina ito sa akin. "Mis, sasakay ka ba?!" sigaw ni manong driver. "O-Opo!" sigaw ko pabalik. Nagmadali ako at natatarantang pumasok sa bus. "Sorry po," nakayuko kong wika sa bus driver matapos kong i-tap ang beep card. Halos lumubog na ako sa kahihiyan at pilit na ningingiti ang aking labi habang lumalakad sa loob ng bus at nakatingin sa mga taong kunot-noong nakatingin sa akin. "S-Sorry po," paulit-ulit kong sinasabi sa mga pasahero. Hanggang sa maya-maya lang, nakarating na ako sa dulo ng bus kung saan may mahabang upuan. Tumaas ang aking kilay nang tumama ang tingin ko sa kinaroroonan ni Seven. Halata sa kanyang mukha na nagpipigil siya ng tawa at pilit na tumitingin sa labas ng bintana. Ang walanghiya! Hindi man lang ako kinalabit o tinawag na dumating na pala ang bus. Tuwang-tuwa pa ang mokong sa kalokohan niya! inis na inis kong wika sa sarili. Umupo ako sa kabilang dulo ng bus, sa may tabi ng bintana. Siya naman ay nasa kabila rin. "Bakit hindi mo sinabing dumating na ang bus?" iritable kong wika sa kanya habang nakatingin sa labas ng bintana, sapat lang ang lakas ng aking tinig upang marinig niya ako. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" walang gana niyang tugon sa akin. Mabilis akong lumingon sa kanya at tinapunan siya ng matalas na tingin. May araw ka rin talaga sa 'kin, Seven! Nagpatuloy ang aming byahe, hanggang sa maya-maya lang, may sumakay na isang babae na sa tantya ko ay nasa edad kwarenta na, nagmamadali itong tumabi sa akin. "M-Mis, pwede ba ako sa tabi ng bintana? Mahiluhin kasi ako at palasuka," pakikiusap sa akin ng babae. "H-Ha? S-Sige po," maiksi kong tugon. Dahil takot akong marumihan ang aking uniporme dahil papasok palanv ako ng school, lumayo ako nang kaunti sa kanya, dahilan upang magkaroon ng espasyo sa pagitan namin ng babae. Ngunit habang tumatagal, parami nang parami ang mga taong sumasakay sa bus at umuupo sa aming pagitan. Hanggang sa namalayan ko na lang, katabi ko na pala si Seven. Mariin kong kinuyom ang aking kamay dahil sa inis ko. Iniiwasan ko ngang makalapit ang hayop na ito pero itong mga pasahero naman ang naglapit sa 'min. Ano bang kamalasan to? Ang pinakanakaka-inis pa sa mga nangyari, hindi ko alam kung normal na ruta ba talaga ng bus na aking sinasakyan ang dumaan sa lubak-lubak na kalsada. Dahil kasi roon, patuloy na bumabangga ang aking braso sa braso ni Seven at labis akong kinikilabutan dahil dito. Nakaka-inis talaga! Makalipas ang tila isang dekada naming pagtahak sa daan na iyon, sa wakas ay nakarating din kami sa campus. Pakiramdam ko nga ay napakahabang oras ang binyahe ko. "Excuse me po!" sigaw ko saka nagmamadaling tumayo mula sa pagkakaupo. Wala na rin akong pakialam kung kailangan kong isiksik ang sarili sa mga taong nakasakay sa bus para lang makababa na ako agad, basta ang mahalaga sa akin, makalayo na ako sa lalaking bwisit na iyon. Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag nang malampasan ko ang entrance gate ng school. "Magpanggap ka na hindi mo ako kilala." Isang bulong mula sa aking likuran ang naging dahilan upang ako ay lumingon. Nakita ko si Seven na nakatingin sa akin at tila may pagbabanta sa kanyang mga mata. Gamit ang aking index finger, tinuro ko ang sarili. "Ako ba?" tanong ko. Isang buntonghininga naman ang kanyang ginawa, saka nagsimulang lumakad at sinadya akong lampasan. "Stupid," walang emosyong wika ni Seven matapos siyang makalampas, ngunit narinig ko pa rin ito. Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. "Who you ba?!" iritable kong sigaw sa kanya. Kung tama ako ng pagkakarinig sa una niya g sinabi, nais niyang magpanggap ako na hindi kami magkakilala. Aba! Pabor sa 'kin ang bagay na iyon. Sino ba ang gustong makisalamuha sa lalaking gaya niya na antipatiko? Not me! Hinila ko ang strap ng aking backpack at bumuntonghininga. "Learn the art of deadma, Kim," paalala ko sa sarili, saka lumakad sa quadrangle ng school. *** Kasalukuyan akong nakikinig sa klase nang mapansin ko ang paulit-ulit na pagdaan ng kababaihan sa labas ng classroom. Same-same lang ang kanilang mukha kaya alam ko agad na paulit-ulit silang lumalakad na animoy naglalagari ng hallway. "Nakita mo? Ang gwapo, 'di ba?" wika ni Marites one. "Oo, hindi talaga nakakasawang tingnan ang mukha ni Seven, napakagwapo niya," tugon ni Marites two na animoy kinikilig pa ang puwitan. Halos mapasampal na lang ako sa aking noo dahil sa aking naririnig. Bakit ba patay na patay ang mga kababaihan sa lalaking ito? Hindi ba nila alam kung gaano kasama ang ugali nitong si Seven Dwarfs? Kainis! "Ms. Kim, please answer the problem in the board." Nanlaki ang aking mga mata nang bigla akong tawagin ng aming guro at pinasasagutan ang bagay na nasa blackboard. "M-Ma'am?" tugon ko na animoy wala sa sarili. "Lumilipad na naman ba ang isip mo, hija?" inis na wika ni ma'am. Kilalang terror ang teacher na ito kaya hangga't maaari, hindi pwedeng lumipad ang isip mo sa kanyang klase. "Stand up and answer the questions on the blackboard, now!" Sabay nang paglundag ng aking balikat, agad akong napatayo dahil sa malakas na sigaw ng aming professor. Nakakatakot talaga ang isang ito. Wala akong nagawa kung hindi ang magtungo sa blackboard at sagutin ang tanong na iyon. Mabuti na lang at kahit hindi ako nakikinig, madali kong natutuhan ang pag-solve rito gamit ang mga example na nakasulat sa board. Binaba ko ang chalk nang matapos ang aking pagsagot. Pinagpag ko ang aking kamay dahil nabahiran ng puting chalk ang aking palad. Sa aking pagharap, kumunot ang aking noo dahil iba ang tingin sa akin ng aking mga kaeskwela. Lahat sila ay tulala at nakatingin sa aking direksyon na animoy manghang-mangha sa aking ginawa. Hindi ko rin alam kung bakit, kaya nagkibit-balikat na lang ako at nagsimulang maglakad at bumalik sa aking upuan. Nadaanan ko pa ang aming professor na ngayon ay nakatulala rin at mariing napalunok nang ako ay dumaan sa kanyang harapan. "O-Okay, class. Let's continue what we're doing awhile ago," muling wika ng aming guro, saka lumakad patungo sa blackboard at binura ang sagot ko kanina. Sa aking pag-upo, ilang mga kaeskwela ang kumalabit sa akin. "Psst! Ang galing mo, ha? Buti na lang nasagot mo 'yong tanong," wika ng isa kong classmate. Ano ngang pangalan niya? Ngumiti na lang ako kahit hindi ko siya kilala. Mahina kasi talaga ang utak ko sa pag-memorize ng pangalan lalo na kapag hindi tumatatak sa isip ko. "Napakadali naman kasi ng tanong." Kumunot ang aking noo nang marinig ko ang bagay na iyon at sabay kaming napalingon ng kausap ko sa lalaking nagsalita. Muli na namang tumaas ang aking dugo patungo sa ulo dahil nakita ko na naman si Seven na ume-epal sa akin. "O-Oo nga, madali lang naman ang tanong," muling wika ng babaeng kausap ko kanina na animoy sumasang-ayon sa impaktong si Seven. Tumaas naman ang aking kilay dahil sa kanyang ginawa. Animoy mapang-asar siyang ngumisi sa akin, kaya pina-ikot ko na lang ang aking mata dahil sa kanyang kalokohan. Hindi ako papatol sa kanya. Kailangan kong magpanggap na hindi ko siya kilala, wika ko sa aking isip. Matapos ang subject na iyon, lahat kami ay nagtaka nang pumasok ang aming adviser sa loob ng classroom. Hindi pa naman niya subject ngunit nandito siya sa aming harapan. "Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ako nandito?" pag-uumpisa niya. "Yes, sir!" tugon ng mga walanghiya kong classmates na mapangbara. Halos matawa ang aming guro dahil pakiramdam niya ay hindi siya welcome, ngunit binalewala na lang niya ito. "Anyway, bumisita ako rito dahil kailangan natin mag-assign ng magiging class president natin. Ang totoo akala ko ay hindi na ito applicable sa atin ngunit nagbigay ang principal ng kautusan mula sa itaas. Kung mayroon mang nais mag-volunteer, itaas nyo na ang kamay nyo," sunod-sunod na paliwanag ng aming adviser. Walang nais magtaas sino man sa amin. Maging ako ay hindi naman interesado rito kaya hindi ko na lang din pinansin at nagbasa na lang ng libro na nasa aking harapan. Isang buntonghininga ang ginawa ng aming professor dahil wala ni isa ang nais mag-usap sa amin. "Okay, kung walang mag-vo-volunteer, ako na ang pipili," aniya. Nilibot niya ang paningin. Maya-maya lang, nagsimula na siyang magsalita. "Okay, I have decided to appoint, Kimberly and Seven as president and vise president." Nanlaki ang aking mga mata at napasinghap dahil sa kanyang sinabi. Napatango naman ang aking mga kaeskwela na animoy sang-ayon pa sa sinabi ng aming professor. "Tama po 'yon, Sir. Pareho naman silang genius!" wika ng isang classmate kong lalaki. Nais ko mang tumanggi, wala akong magawa dahil guro na namin ang nag-decide nito. Wala naman problema sa akin ang mamuno sa classroom, ang problema lang, bakit kasama ko pa si Seven? Ang lalaking bwisit na manyak na ito? Ang usapan namin ay huwag ipahalata sa iba na kami ay magkakilala, ngunit ngayon, paano namin gagawin iyon? Ayokong ma-involve sa lalaking katulad niya. Masiyado siyang sikat at ako naman, ayoko nang napapansin ako. Gusto ko ng tahimik na buhay. "Kim, Seven? Pwede ba kayong tumayo at lumapit dito?" pagtawag sa amin ng guro. Mariin akong napalunok at kagat ng labi dahil sa kaba at inis na aking nararamdaman. Mas nabalot pa ng kaba ang aking puso nang magsimula nang tumayo si Seven. Nilagay niya ang kamay sa bulsa at tila walang emosyong lumakad patungo sa harapan. Ayokong sabihan na maarte ako, kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang marahan ding tumayo at lumakad patungo sa harapan. Wala na ba talagang atrasan ito? Hindi ba pwedeng ayoko? pagtanggi ko sa isip. Magkatabi kami ni Seven na nakatayo sa harapan. Makatabi ko lang siya, naiirita na ako. "Class, they will be the one whose responsible in our class. Lahat ng activity sa kanila ninyo sasabihin. Kung may ideya kayo, tulungan nyo rin sila dahil we need to share our knowledge. Hindi porket matalino ang dalawang ito, sa kanila nyo na iaasa ang lahat. By the way, we are having a quiz bee this coming week. We expect na makakalaban natin ang ibang section at magagaling na estudyante sa kabila," sunod-sunod na paliwanag ng aming guro. "Not a problem." Lahat ay napatingin sa sinabi ni Seven. Ang iba ay tila namangha pa sa kanya dahil minsan lang kasi magsalita ang lalaking ito. "Ang gwapo talaga ng boses niya," kinikilig na wika ng isang babae. "True! Pati mukha niya napakagwapo!" Ang mga katagang ito ay pilit kong hindi pinakinggan. Puro sila papuri sa lalaking si Seven, hindi nila alam demonyito ang taong ito. Pa-cool effect lang, kaloka! "Seven, handa akong tulungan ka kung kailangan mo!" sigaw ng isang babae sabay tila naluluha pa sa kilig. Isang matalas na tingin naman ang ginawa ni Seven sa babaeng ito. Tila napahiya ang babae nang makita ang tingin na iyon ni Seven kaya agad din siyang bumalik sa pagkakaupo. "S-Sabi ko nga, hindi, eh," walang ganang tugon ng babae saka tinakpan ang mukha ng libro. "Now we are all set, we are going to have a meeting later. Seven, Kim, pumunta kayo sa faculty after class, I need to discuss something with you," paalala sa amin ng aming guro. "Yes po, Sir," mahina ko namang tugon. Isang simpleng pagtango naman ang ginawa ni Seven. Matapos iyon, muli kaming lumakad at nagtungo sa kani-kaniya naming silya. Napapakamot na lang ako ng ulo dahil sa mga bagay na nangyayari ngayon. Kasi naman, akalain mo 'yon? 'Yong taong pilit kong iniiwasan dahil ayokong makakuha ng maraming atensyon, 'yon pa ang taong magiging kapareha ko bilang class representative. Ano ba namang buhay ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD