Kinaumagahan, malungkot pa rin na pumasok ng school Daryl. At gaya ng nakagawian ay kasama na naman niya ang kanyang mga kaibigan. "Karma iyan, pare!" wika ni Niko pagkatapos niya sinabi ang kanyang problema. "Oo nga! Ikaw kasi, wala ka nang ginawa mula pa noong mga bata tayo kun’di asarin at bwisitin si Lhianne," dugtong na sabi naman ni Carl. "Heh! Tumigil nga kayo! Nahihirapan na nga ako, naninisi pa kayo!" pero patuloy na nakatanaw si Daryl sa grupo ng mga kabataang babae na naglalaro ng volleyball sa open field ng school, particular kay Lhianne na kasali sa team. "Eh, anong plano mo? Mukhang mahihirapan ka talagang lapitan at amuin si Lhianne? Mukha kahit na anong gawin mo ay hindi na siya maniniwala na magiging mabait ka na sa kanya. Kahit pa yata lumuhod ka pa sa