MALAKAS na tunog ng cellphone ang pumukaw sa lumilipad na diwa ni Daryl. Sino kaya ito? Kunot -nuong sinagot niya ang nag-iingay na aparato. "Hello?" "Hello, Mr. Fernandez?" "Yeah!" tila sumirko ang puso niya nang makilaka ang pamilyar na boses na iyon. "Lhi, paano mo nalaman ang number ko?" "Ibinigay ni Claire. Anyway, naghihintay kami sa pasya mo, at naiinip na kami, So, pipirma ka na ba sa annulment?" agad na tanong ng dalaga mula sa kabilang linya. "I'm not decided yet, Lhi. Pero kung makikipagkita ka sakin. . . dinner with me, we can talk about it again. Baka sakaling… makapagpasya na ako." "You know what, Mr. Fernandez, you're sick! You really need professional help." "Lhi, all I want is to have dinner with you. May masama ba doon?” "I ca