DAMN that man! Bakit ba siya ganoon? Pero hindi bale, kapag natapos na ang annulment nila, matatapos na rin ang kunsumisyon ko! Kagaya noon, sa huli siya pa rin ang matatalo. Siya pa rin ang magmumukhang tanga. Kahit pa nga nagawa niya akong nakawan ng halik sa huling pagkakataon... Marahang pumikit si Lhianne at binalikan sa isip ang huling pagkakataon na nakaharap si Daryl. "Lhi!" Napabuntong-hininga na lang si Lhianne at hindi nag-abalang lumingon. Dumiretso siya sa classroom nila para hubarin na ang suot na toga na ginamit sa graduation nila sa high school. "Lhi!" pero makulit talaga si Daryl at nagawa pa siyang sundan sa classroom nila. "Ano ba? Ang kulit mo,ah!" inis na hinarap na lang niya ang kababata. "Kasi naman, ayaw mo akong kausapin," malungkot na wika ni Dary. "Asa