Isang linggo na ang nakalilipas mula ng manalo sa huling kasong hinawakan niya kaya umuwi muna si Lhianne sa townhouse niya upang makapag-isip isip. Ayaw kasi niyang nag-aalala sa kanya ang ina niya. At kapag sa bahay siya ng parents niya ay kukulitin lang siya ng tanong na mga magulang kapag may kakaiba sa kinikilos niya. Kilala siya ng mga ito kapag may mga bagay na gumugulo sa isipan niya o may problema siya dahilan para hindi siya tatantanan hangga’t hindi niya sinasabi. Ayaw naman niyang malaman na si Daryl pala ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Kilala kasi ng mga magulang niya si Daryl dahil madalas niya itong ikuwento sa mga magulang noong mga panahon na nasa San Carlos Pampanga pa suila. Hindi rin lingid sa kaalaman ng mga magulang niya ang pambu-bully sa kanya noon ni Da