Pagpasok ko pa lamang sa pinto ng bahay ni Drake ay agad akong napanganga sa nakikita ko. Ang loob ng bahay ay parang kinuha mula sa mga pahina ng isang high-end na interior design magazine. Mula sa marmol na sahig na nagliliwanag sa ilalim ng mga chandelier sa kisame, hanggang sa malalaking bintanang nagbibigay liwanag sa buong paligid, bawat sulok ay sumisigaw ng karangyaan.
Sa kaliwang bahagi ay mayroong malawak na sala na may mga eleganteng mga sofa na tila hindi pa nauupuan, parang pang-display lang. Ang mga kurtina ay gawa sa mamahaling tela, at ang mga dekorasyon ay puro mga art piece na siguradong milyon ang halaga. Sa kanang bahagi naman ay nariyan ang dining area na may mahabang mesa na yari sa kahoy na mukhang imported pa mula sa ibang bansa. Ang mga upuan nito ay may velvet na cushion, na parang nagmamalaki ang bawat detalye.
Agaw-attraction din ang hagdanan sa gitna. Napaka-grandioso nito, paikot na parang sa mga fairy tale. Ang railing ay gawa sa bakal na may intricate designs, at ang bawat baitang ay may carpet na kulay ginto. Sa itaas na bahagi nito ay makikita ang second floor na may open balcony na tanaw ang buong ground floor na ito. Hindi ko rin maiwasang mapansin ang mga painting na nakasabit sa mga dingding—puro mga obra ng sikat na mga pintor.
Ngunit ang pinakanakakuha ng atensyon ko ay ang indoor garden na malapit sa sala. Nahaharangan ito ng makakapal na tempered glass. Kaagad ko itong nilapitan at pinagmasdan. Bigla namang binuksan ni Drake ang sliding door nito habang nakatitig sa akin.
Napangiti ako at kaagad na lumabas. Ngayon ay mas natitigan ko pa sila ng malapitan at nahahawakan.
Isa itong napakagandang oasis na may mga halaman at bulaklak na animo'y galing pa sa ibang bansa. May mga ornamental plants na malalaki, pati na rin mga hanging plants na bumababa mula sa kisame. Sa gitna ng garden ay may maliit na fountain na may tila musika nang bumubulwak na tubig. Tila nagbibigay ito ng kalma sa paligid.
Siguradong ang liwanag mula sa skylight sa itaas tuwing umaga ay nagbibigay ng natural na liwanag sa buong garden na ito, at ang bango ng mga sariwang bulaklak ay sumasama sa hangin. Napakapresko at malamig. Napakaganda ng pagkakaayos ng bawat halaman, parang sinadyang magbigay ng sense of tranquility sa buong bahay.
"Mahilig ka pala sa mga halaman?" ani Drake sa likod ko.
"Siyempre naman, no. Laking-probinsya ako at may malawak din kaming garden sa bahay namin. Di mo ba napansin 'yon? Palagi ka namang nandoon," sagot ko nang hindi siya nililingon dahil abala ako sa pagtitig sa mga napakagagandang mga bulaklak. "Kami rin ang nagtatanim at nag-aalaga," dagdag ko pa.
Hindi naman siya sumagot. Nilingon ko siya at naaktuhan ko ang pagtitig niya sa akin, ngunit kaagad din siyang nagbawi. "Come inside now. I'm exhausted and just want to sleep." Kaagad na rin siyang tumalikod at tinungo ang hagdan.
Napaismid na lamang akong muli. Isinara ko na ang sliding door at sumunod na rin sa kanya. Ngunit napatanaw naman ako sa kusina na nasa kanang bahagi. Nakaramdam ako ng uhaw kaya minabuti ko munang magtungo doon.
Agad akong napangiti habang inililibot ko ang paningin sa buong paligid. "Wow, ito 'yong pangarap kong kusina para sa bahay ko, kung sakaling magkaroon ako ng malaking bahay para sa pamilya ko."
Para itong kusina mula sa isang luxury home magazine. Ang mga pader ay pininturahan ng soft cream, na nagbibigay ng malinis at maaliwalas na pakiramdam. Ang sahig ay gawa sa high-gloss tiles na nagre-reflect sa mga ilaw sa kisame.
Ang centerpiece ng kusina ay ang malaking marble island na nasa gitna, na may eleganteng countertop na may veins ng ginto at puti. Sa ibabaw ng island ay may nakaayos na high-end appliances—coffee maker, blender, at oven toaster—lahat ay mukhang hindi pa nagagamit, parang display lang. May nakasabit din na mga pendant lights na may modernong design sa kisame, na nagbibigay ng warm glow sa buong kusina.
"Ito talaga ang gustong-gusto ko. Hay, ang ganda." Nagniningning ang aking mga mata habang iniikot ang buong paligid.
Napatingin ako sa mga cabinetry na gawa sa dark oak, na may brass handles na nagbibigay ng sophisticated touch. Isa-isa kong binuksan ang bawat cabinet na punong-puno na rin ng mga kagamitan, na lahat ay parang hindi pa talaga nagagamit at mukhang bagong-bago pa. May built-in oven at microwave din na parang hindi pangkaraniwan ang disenyo, at isang napakalaking refrigerator na parang para sa buong pamilya.
Sa kaliwang bahagi ay may isang glass-door. Nilapitan ko din ito at binuksan. Dito ko na-realize na isa pala itong pantry na puno ng mga imported goods at ingredients. Hindi ko maiwasang humanga sa pagkaka-organize ng lahat—parang bawat bagay ay may sarili nitong lugar. Sa tabi ng pantry ay may wine cooler na may iba't ibang klase ng alak na nakalagay, na tila nag-aanyaya ng isang eleganteng dinner party.
Ngunit ang pinakagusto ko sa kusinang ito ay ang malaking farmhouse sink na stainless steel, na may modernong faucet na may retractable hose. Sa itaas nito ay may window na nagbibigay tanaw sa napakalaking pool sa labas. Kitang-kita ko ito dahil sa mga nagkalat ding ilaw sa buong paligid.
"Oh, my God." Gusto kong magtitili sa sobrang tuwa. Pangarap ko rin ang magkaroon ng pool sa bahay na gusto ko. Excited na akong mag-umaga dahil maliligo talaga ako dyan!
Kapag pala maghuhugas ako ng mga plato o magluluto ay makikita ko rin ito mula dito sa loob. Nakaka-excite!
Muli kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan nitong kusina. Sa kanang bahagi naman nito ay naririyan ang open shelving na may mga naka-display na aesthetic ceramic dishes, crystal glasses, at iba pang kagamitan na mukhang pinili nang maingat. Bawat bagay sa kusinang ito ay parang curated upang magbigay ng functional pero eleganteng ambiance.
Muli akong napangiti. Ito ang klase ng kusina na pinapangarap ko para sa bubuuin kong pamilya—isang lugar kung saan hindi lang pagkain ang hinahain, kundi pati pagmamahal at alaala. Para sana sa pamilya namin ni Claude, pero kailanman ay hinding-hindi na mangyayari.
Pero nararanasan na niya ngayon kasama ang mahal niyang asawa at mga anak.
Napabuntong-hininga ako ng malalim. Hindi rin ako sigurado kung hanggang kailan ako magtatagal sa pamamahay na ito. Maaaring ilang araw lang, linggo o isang buwan ay tapos na. Babalik na akong muli sa dati kong buhay. Sigurado din namang hindi ipaparehistro ni Drake ang kasal naming dalawa, para hindi na kami mahirapan pa sa annulment at para wala rin kaming tutal na commitment sa isa't isa.
Kumuha ako ng isang malinis na baso sa cabinet at sumahod ng tubig mula sa faucet. Kaagad ko rin itong ininom.
"Nihann Kitty Smith! Where the hell are you?!"
Kamuntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla na lamang dumagundong ang napakalakas na sigaw ni Drake mula sa itaas nitong bahay.
Agad kong ibinaba ang baso ng tubig sa mesa at mabilis na lumabas ng kusina. Binuhat ko nang maayos ang laylayan ng gown ko at nagmamadaling umakyat sa hagdan, baka kung ano na namang sermon ang abutin ko sa kanya.
Pagdating ko sa itaas ay nakita ko si Drake na nakatayo sa bukana ng isang hallway, nakapamaywang at halatang inip na inip na.
"Bingi ka ba?! I told you I wanted to rest, didn't I?! It's already past midnight! How long do I have to wait?!" reklamo niya habang nakatitig sa akin ng matalim. Nakakalas na rin ang necktie niya sa leeg at ilang butones ng kanyang polo.
"Nagpunta lang ako sa kusina. Nauhaw kasi ako," sagot ko. Pilit kong pinakalma ang inis ko ring nararamdaman para sa kanya. Ayokong patulan ang init ng ulo niya, kahit pa parang nag-aapoy na rin ako sa galit.
"Napakabagal mong kumilos!" singhal niya, sabay talikod at patuloy na naglakad na parang may hinahabol.
Pinaikutan ko na lamang siya ng aking mga mata, pilit na hinuhugot ang kaunting pasensya na natitira. Sumunod na rin ako sa kanya.
Naalala kong bigla ang mga sinabi niya kanina sa mga magulang niya. "Bakit sinabi mo sa parents mo na buntis ako? Paano mo mapapanindigan 'yon?" kastigo ko sa kanya.
Pumasok siya sa loob ng isang pinto. "We'll talk about that tomorrow. Ito ang magiging silid mo."
"Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo? Hindi naman ako buntis! Hindi ka ba nag-iisip?!" kastigo ko pa rin sa kanya.
Kaagad din naman niya akong nilingon. "Ano'ng tingin mo sa akin, bobo?"
"Eh, paano mo nga sila bibigyan ng anak? Eh, bakla ka nga, 'di ba? Kaya mo bang ipasok sa 'kin 'yan?" Saglit kong sinulyapan ang ibabang bahagi niya.
Hindi naman kaagad siya nakasagot. Napansin ko ang paghinto niya at paglibot ng mga mata niya sa katawan ko.
Napangisi ako kasabay nang pag- crossarms ko sa harapan niya. "Sige nga? Kaya mo bang hawakan ang katawan ko? Kaya mo bang lamasin ang mga s**o ko at hawakan ang puki ko?" Inumpisahan kong hubarin ang bridal gloves ko sa mga kamay, kasabay nito ay paghubad ko rin sa mga sapatos ko sa paa.
"What are you doing?" tanong niya habang pinagmamasdan ang ginagawa ko. Unti-unting nangunot ang kanyang noo.
"Alam mo napapagod na akong magsinungaling sa pamilya mo, na ikaw naman palagi ang nagsisimula. Ikaw ang nagtuturo sa akin na maging sinungaling. Pero hindi ako ganung tao." Inabot ko ang likod ko at hinila ang tali na nagsasara sa gown ko. Kaagad din naman itong lumuwag. "Ngayon, dinagdagan mo pa ng pekeng pagbubuntis ko... Paano kapag nalaman nilang hindi 'yon totoo? Imbes, na sa 'yo lang sila magagalit, idadamay mo pa 'ko."
"Stop that," mariin niyang utos nang bahagya nang bumaba ang gown ko at malapit na niyang makita ang mga n****e ko.
"Bakit hindi natin totohanin? Para naman mas mapaniwala mo sila na totoong lalaki ka?" Tuluyan ko nang hinila pababa ang gown ko hanggang sa mahulog na ito sa sahig. Tuluyan na ring humantad sa harapan niya ang kabuuan ng dibdib ko. May sarili namang padded cups ang gown kaya wala na akong suot na iba pang bra dito.
Suot ko naman sa ibaba ko ang isang kaakit-akit na white lace panty.
Napansin ko ang pag-awang ng mga labi niya, at paglunok niya habang nakatutok ang mga mata niya sa tayong-tayo at mayayaman kong dibdib.
Hindi siya nakakilos sa kinatatayuan niya, at parang na-tense siyang bigla.
"Ano?" Naglakad ako papalapit sa harapan niya. "Ikaw ang nag-umpisa ng larong 'to... ako naman ang tatapos," panghahamon ko sa kanya nang may ngiti sa mga labi. "Tutulungan kita. Bigyan natin sila ng totoo mong anak, para hindi ka nila pagdudahan." Hinawakan ko na ang mga butones ng polo niya sa dibdib at dahan-dahang kinalas.
Siya naman ay parang na-estatwa na sa harapan ko, na hindi na makagalaw at hindi na rin makapagsalita.