Nikki
ALAS DOSE na ng hatinggabi nang matapos ang aming kasal. Pakiramdam ko'y isang panaginip pa rin ang lahat—ang mga ngiti ng mga bisita, ang mga pagbati, at siyempre, ang mainit na yakap ni Drake sa bawat pagkakataon na nasa harapan kami ng pamilya niya.
Matapos ang isang mahabang gabi ay nagpaalam na rin kami sa lahat, lalong-lalo na sa parents niya—sila Daddy David at Mommy Juliet.
"So, where are you planning to go for your honeymoon? Nikki might be unable to handle a long flight given her condition," tanong ni Daddy David sa amin.
Nangunot ang noo ko sa tinutukoy niya. Condition? Ano'ng condition ko? Bigla akong napalingon kay Drake.
Si Drake naman ay iniyakap kaagad sa akin ang isa niyang braso na parang may ibig ipahatid. "We'll check if she can handle it, Dad," sagot niya. "Sa ngayon, doon na lang muna kami sa bahay namin. Tapos na rin naman 'yon at pwede na naming tirhan."
Bahay niya? May pinagawa na pala siyang bahay? Saan naman kaya 'yon?
Lumapit sa akin si Mommy Juliet. Nakangiti niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Congratulations to you," aniya. "No wonder Drake rushed into your wedding—it's because you two already have a little one on the way."
Bigla akong natigilan at napanganga sa sinabi niya. A-Ano? Little one on the way? A-Ano'ng ibig niyang sabihin? Napalingon akong muli kay Drake, pero ngumiti lang siya habang nakatitig sa akin, ramdam ko ang pagpisil niya sa baywang ko.
"Take good care of that baby," dagdag pa ni Mommy Juliet. "Kung medyo maselan ang pagbubuntis mo at hindi mo kaya, tawagan niyo lang ako kaagad. Pwede ko kayong samahan."
Nawindang akong bigla sa mga sinabi niya. A-Ano?! Buntis ako?!
Parang nabuhusan akong bigla ng isang baldeng malamig na tubig, at ang utak ko ay parang tren na nagmamadaling tumakbo sa isang madilim na tunnel.
What the f**k?! Saan naman nanggaling ang ideyang iyon? Sinabi ba 'yon ni Drake sa kanila? Paano niya nagawang sabihin 'yon nang hindi man lang ako sinabihan?
Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya. Siya naman ay kalmado pa rin, at kinakausap lamang ako sa paraan nang pagtitig niya sa akin.
Mukhang napansin naman ni Mommy Juliet ang tensyon. "Why? Is there a problem?" tanong niya, na may halong pag-aalala. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Drake.
Bago pa ako makasagot ay sumalo na si Drake. "Uh, no, Mom. Nikki and I had decided to tell you the surprise together, but I couldn't hold back my excitement, kaya nasabi ko na kaagad sa inyo," paliwanag niya, halatang pilit ang ngiti.
Ako naman ay parang mauupos na sa kinatatayuan ko. Parang ipinasok ako ni Drake sa isang kumunoy, at bawat saglit na lumilipas ay palalim nang palalim. What the hell, Drake?! Ano'ng ginawa mo? Paano ko lulutasin 'to? At higit sa lahat, paano ako mabubuntis kung ... bakla nga siya?!
Hindi ba siya nag-iisip? Paano ako manganganak kung wala namang baby?!
Gulong-gulo na ang utak ko ngayon, pero wala akong magawa kundi magkunwaring ayos lang sa harap nila. Pakiramdam ko ay iniwan niya ako sa gitna ng isang bagyo na wala man lang payong o panangga. Kung hindi lang kami nasa harap ng mga magulang niya, baka nahampas ko na siya sa sobrang galit.
"Pagpasensiyahan mo na si Drake, Nikki. Ganyan talaga kapag magiging ama na," turan naman ni Daddy David, na may halong ngiti sa labi. Ramdam ko rin ang excitement sa kanya. "Ganyan din ako noon sa kanila. When excitement takes over, it's hard to keep it in."
Halos bumagsak na ang panga ko sa narinig. Ama? Excited? Talaga bang hindi niya iniisip ang mga pwedeng mangyari?
Lalo lang naging magulo ang sitwasyon. Paano kapag lumipas na ang ilang buwan at makikita nilang hindi lumalaki ang tiyan ko? Paano kapag sumapit na ang nine months pero walang mangyayaring panganganak dahil wala namang baby sa sinapupunan ko?
Ano ba itong pinasok ko? Mababaliw na nga yata talaga ako sa Drake Delavega na ito. Nagkamali yata ako ng mga desisyon ko sa buhay. Alam ko naman na ganito na siya, pero bakit sumugal pa rin ako? Baka isang araw pa lang kaming nagsasama sa iisang bubong ay isugod na kaagad ako sa mental hospital!
Bwiset! Talaga bang kailangan ko pang pagdaanan ang ganitong kalbaryo?
"Anyway, listen to what I’m telling you, Drake. Take good care of your wife, especially now that she’s pregnant," turan ni Mommy Juliet, na puno ng malasakit sa tinig. "You need to grow up now that you have a family. Stop being an immature and spoiled brat. Stress is bad for pregnant women."
Parang nag-iinit ang ulo ko sa bawat salitang naririnig ko. Buntis? Ako? Talaga bang nagkakasundo sila sa ilusyon na 'to?
"Alam ko na 'yon, Mom," sagot ni Drake, na parang napaka-relax pa rin sa kabila ng lahat.
Nakakapikon! Ang dali-dali lang para sa kanya na magkunwaring normal ang lahat, samantalang ako, pakiramdam ko ay sinasakal na ng mga kasinungalingan niya. Humanda ka lang sa aking bakla ka!
"We're leaving now," paalam na niyang muli, kasabay nang paghalik niya sa pisngi ng kanyang ina.
"Mag-iingat kayo sa biyahe," bilin naman sa amin ni Daddy David.
"Yes, Dad."
Nagmano akong muli sa mga kamay nila. Hindi ko na magawang magsalita dahil nag-uumapaw na ang kaguluhan at mga nararamdaman ko ngayon sa buong sistema ko.
Nagpaalam na rin kami sa iba pang naririto, pati na rin kay Mommy Wilma na asawa ngayon ni Daddy David. At lumabas na rin kami ng hotel.
Sumakay kami sa kotse niya sa backseat. Kasama namin ang mga bodyguard niya at driver namin kaya nanatili muna akong tahimik. Pero sa totoo lang, nagngingitngit na ako ngayon sa galit. Gusto ko nang sumabog, pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.
Nanatili din naman siyang tahimik sa tabi ko. Maging sa mga tauhan kasi niya ay itinatago din niya ang tunay niyang pagkatao.
14 silang magkakapatid at siya ang pang-13. Iisa lang ang kapatid nilang babae, at 'yon ay ang bunso, si Dacia Wei na anim na taong gulang pa lamang ngayon. Silang lahat ay magkakaiba ang ina. Maliban na lang sa panganay nilang kapatid na kambal, na sila Kuya Devin at Kuya Derrek. Si Mommy Wilma ang kanilang ina, pati na rin ang bunso nilang kapatid na si Dacia Wei.
Si Mommy Wilma ang unang naanakan ni Daddy David noon, bago sila nagkahiwalay hanggang sa magkaanak muli si Daddy David sa iba't ibang babae.
Nagkabalikan silang muli ni Mommy Wilma at ikinasal, hanggang sa magkaroon na nga silang muli ng anak. Masyadong masalimuot ang naging buhay noon ng kanilang ama, pati na rin ng mga ina nila.
Hindi ko rin naman masisisi ang mga babaeng ito dahil sa napakagwapo naman talaga ni Daddy David. Kahit nga ngayong may edad na siya—lolo na siya ay napakakisig pa rin niya at mukha pa ring binata. Di ko rin masisisi si Mommy Wilma kung makipagbalikan siya kay Daddy David. First love nila ang isa't isa at may mga anak sila.
Magkakaiba rin ang mga ugali ng kanilang mga anak. Mayroong tahimik, mayroong sobrang kulit na katulad ni Drake, at mayroon ding seryoso. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang personalidad at pinagdadaanan. Pero kahit na ganoon, nanatiling buo ang kanilang pamilya. Sila ay nagkakaisa lalo na kapag may problema o pagsubok na dumarating.
Si Kuya Devin at Kuya Derrek, bilang mga panganay, ang nagsisilbing haligi ng magkakapatid simula noong makasama na nila ang mga ito. Palagi silang nandiyan para sa mga nakababatang kapatid kahit marami sa kanila ay may mga kanya-kanya nang pamilya, lalo na kay Dacia Wei na bunsong babae at pinakapaborito ng lahat. Napakabibo ng batang 'yon, at kahit na anim na taong gulang pa lamang, ay may angking talino at charm na minana sa kanilang mga magulang.
Si Mommy Wilma, bilang ina, ay isang huwaran namang babae. Dati rin siyang guro. Sa kabila ng masalimuot na nakaraan nila ni Daddy David, pinili niyang muling buuin ang pamilya nila. Mahal na mahal niya ang kanyang mga anak, at ginagawa niya ang lahat para maiparamdam sa kanila ang kanyang pagmamahal.
Si Daddy David naman, sa kabila ng kanyang nakaraan, ay nagbago na. Siya ang tipo ng ama na nag-aalaga at nagbibigay ng gabay sa kanyang mga anak kahit iba-iba ang kanilang mga ina. Hindi niya hinahayaang maulit ang mga pagkakamali niya noon, kaya't ginagawa niya ang lahat para maging mabuting ama at asawa kay Mommy Wilma.
Sa kabila ng lahat, nananatiling matatag ang kanilang pamilya. Magkakaiba man ang pinanggalingan at ina, sila ay iisa pagdating sa pagmamahalan at pagkakaisa. Ang kanilang kwento ay isang patunay na kahit gaano pa kahirap ang mga pagsubok, kayang lagpasan basta't magkakasama at nagtutulungan.
***
"Hey, wake up. Tulo pa ang laway mo."
Bigla akong nagising sa mararahang tapik ni Drake sa pisngi ko. Napaayos akong bigla nang pagkakaupo. Namalayan ko na lamang din na nakasandal na pala ako sa kanya.
"Ang bigat mo. Nandito na tayo," aniya bago siya lumabas ng pinto.
Napatanaw naman akong bigla sa labas ng bintana. Puro mga ilaw sa buong bakuran at mula sa malaking bahay na ito ang nagsisilbing liwanag sa labas. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa haba nang binyahe namin. Saang lugar naman kaya ito?
Pinagbuksan na rin ako ng pinto ng isa sa mga bodyguard niya. Binitbit ko ang laylayan ng gown ko bago ako lumabas. Hindi na ito ang wedding gown ko dahil nakapagpalit na ako kanina pa sa hotel, pero magarbo pa rin ito.
Napatingala kaagad ako sa three-storey house na nasa harapan ko ngayon. Moderno at napaka-elegante. Napakalawak din ng bakuran at medyo malayo ang kinaroroonan ng gate. Mayroon ditong mahabang driveway.
Naramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat, at ang halimuyak ng mga bulaklak na nakatanim sa paligid ay humahalimuyak sa hangin. Kakaiba ang lamig dito, na 'di katulad sa siyudad.
"Saang lugar 'to?" tanong ko kay Drake.
"Tanay Rizal, kaya masanay ka na sa kakaibang lamig dito... Come on. This is our house." Nauna na siyang magtungo sa napakagandang pinto. May ilang baitang pang aakyatin bago makalapit doon.
Kaagad din naman akong sumunod, ngunit aksidente kong natapakan ang laylayan ng gown ko dahilan upang madapa ako. "Ay!" Sumubsob ang nguso ko sa sahig. Namanhid ito na may kaunting kirot.
"What the f**k? Ano bang ginagawa mo?! Ang lampa mo naman!" sigaw sa akin ni Drake habang nakapameywang.
Nahirapan akong tumayo dahil sa bigat ng gown ko. Naramdaman ko naman ang mga brasong umalalay kaagad sa akin mula sa likod ko. Kaagad ko itong nilingon, at isa sa mga bodyguard niya ang bumungad sa akin.
"Mag-iingat po kayo, Ma'am," aniya sa akin.
"S-Salamat."
"Saan ka ba kasi nakatingin?! Maliwanag naman ang paligid!" muling bulyaw sa akin ni Drake. Binigyan din niya ng kakaibang tingin ang bodyguard niyang tumulong akin. Para bang galit pa siya na tinulungan ako.
"Humanga lang ako sa bahay mo kaya hindi ko napansin ang nilalakaran ko," sagot ko naman sa kanya.
Tumalikod na rin ang tauhan niya at bumalik sa mga kasamahan.
"What did you expect? That I would carry you just because we're newlyweds?! So demanding," sigaw muli ni Drake bago nagpatuloy sa pagpasok sa bahay niya.
"Hindi ko sinabi 'yon!" sigaw ko na rin sa kanya dahil sa labis na inis. Mahigpit kong pinigilan ang sarili kong sigawan siyang bakla, dahil naririto ang mga tao niya. Pasalamat ka, nagtitimpi pa ako.
"Bilisan mo na!" sigaw din niya mula sa loob.
Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim. Ramdam ko ang pamamaga ngayon ng nguso ko.
Hay, lintek. Mukhang sign na ito. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng bahay niyang 'to, disaster na kaagad ang sumalubong sa akin.
Paano pa kaya sa loob? Paano pa ang mga susunod na araw na makakasama ko na siya bilang asawa ko?