Nihann Kitty
MAIINIT na mga pagbati ang natanggap namin mula sa buong angkan ng mga Delavega, sa pamilya ko at mga kaibigan.
"Congrats, Drake! Finally, may mag-aalaga na sa 'yo! Nikki, good luck na lang sa pagtitiis sa mga kalokohan nitong bunso namin," turan ni Desmond sa amin. "Inunahan pa talaga ako." Kumamot-kamot siya sa ulo niya.
Natawa naman ako sa sinabi niya, kahit iba sa pakiramdam na alam kong palabas lang ang lahat ng ito sa aming dalawa ni Drake.
"See, who's the slowpoke here? Also, I was the only one who didn't cry at the wedding. Not like you guys. Unbelievable!" pagmamayabang naman ni Drake sa kanila.
Hay, paano ba niya nagagawa 'yan sa harapan ko gayong alam ko naman ang itinatago niyang sikreto? Tsk. Tsk. Tsk. Nakakatawa, at lihim na lamang akong napapailing.
Ngumisi naman ang iba pa nilang mga kapatid at pinsan.
"Is that so? Well, good for you, man! But remember, hindi porke't hindi ka umiyak, mas macho ka na sa amin!" turan naman ni Denver sa kanya. Isa na rin siya sa mga kapatid ni Drake na may pamilya na ngayon. "Let's see how long you can hide that softie side of yours once your married life begins."
Nagtawanan ang lahat sa sinabi niya, pero pansin ko ang pagngiwi ni Drake sa tabi ko. May kaunting distansya pa rin kaming dalawa na para bang diring-diri siya sa akin. Hawak niya ang isang baso ng alak at tinutungga-tungga niya.
"And we got really emotional because after everything we've been through with our spouses, we finally made the commitment," turan naman ni Kuya Darren. "They're the best gift for us. It's a symbol of our love for them. I'm not saying you don't love Nikki, though, kasi hindi ka umiyak." Kaagad siyang lumingon sa akin at ngumiti. "Don't think anything else, Niks. Sadyang masayahin lang itong kapatid namin, hindi talaga siya iyakin." Sinubukan pa niyang pagaanin ang sa tingin niya ay mararamdaman ko kahit wala naman 'yon sa akin dahil wala akong feelings para sa kapatid nilang bakla.
Pero tumawa pa rin ako at sinakyan sila. "Wala po 'yon sa akin. Alam ko naman. Kilala ko naman na ang kapatid niyo."
Napalingon sa akin si Drake at binigyan ako ng makahulugang titig. Sinuklian ko naman siya ng napakatamis na ngiti.
"But there's something about seeing the woman you love walking down the aisle—dream wedding kasi natin 'to, hindi lang ninyong mga babae, at alam mong 'yun na ang simula ng habang-buhay ninyong pagsasama. Hindi mo talaga mapipigilang maluha," turan naman ni Kuya Darell. Nilingon niya ang kinaroroonan ng asawa niyang si Ate Sheila sa table nila, sa nagniningning niyang mga mata.
Kitang-kita ang malalim niyang pagmamahal para sa asawa niya kahit may mga anak na sila at matagal ng kasal at magkarelasyon. Hindi ko pa rin mapigilang hindi mainggit.
Aksidente naman akong napasulyap sa kinaroroonan ni Claude, ang pinsan nila at lalaking kauna-unahan kong minahal. Masaya na rin siya sa pamilya niya ngayon, at masaya na rin ako para sa kanya kahit may munting panghihinayang pa rin sa puso ko.
"Akala niyo lang, hindi ako naiiyak! Tinatago ko lang, no! Hindi niyo na kailangan pang makita!" sagot naman ni Drake sa mga kapatid niya, na siyang ikinalingon kong muli sa kanya.
Lihim na lamang akong napaismid. Numero-unong sinungaling. Kunsabagay, pwede rin naman na naiiyak nga siya dahil sa pagsisisi sa pagpapakasal niya sa akin. Wala nang iba pa.
Nagtawanan namang muli ang mga kapatid niya.
Nilingon naman ako ni Drake at yumuko sa akin. "Ayusin mo 'yang tinititigan mo dyan. Don't tell me you still have feelings for him. Act normal," bulong niya sa akin na may diin.
Napahinto naman ako at bahagyang napanganga sa sinabi niya. Hindi na lamang kami nagpahalata sa mga kapatid niyang nasa paligid namin ngayon. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na may pagmamahal ako para sa pinsan niya, at isa 'yan sa mga ginagamit niyang pang-aasar at panunukso sa akin.
Napaismid na lamang akong muli at ngumiting muli sa pamilya niya.
NAGPATULOY ang kasiyahan ng lahat. Pinasayaw din kami sa gitna ng bulwagan pero ramdam ko kay Drake na parang naiinip na siya. Nababasa ko sa mga mata niya ang malayo niyang iniisip, at nababalik lamang siya sa reyalidad sa tuwing may lumalapit na sa amin at nagsasabit sa amin ng pera.
Kahit ako ay inip na inip na rin. Gusto ko nang matapos ang araw na ito. Nahihirapan na akong huminga dito at hindi ko na rin kayang magpanggap sa lahat na in love kaming dalawa sa isa't isa.
Lumipas pa ang ilang sandali, matapos ang sayaw ay nagpaalam na muna ako sa kanya na gagamit lang ng banyo. Hindi naman niya ako pinansin kaya tumayo na ako at naglakad patungo sa kanang bahagi nitong hall. Dito nga pala ginanap sa isa sa mga hotel na pag-aari nila sa Pasig itong wedding reception namin.
Napaka-engrande, maging itong gown ko ay napakagarbo rin na siya ang nagpagawa sa jowa niyang bakla. Hindi 'yon charot.
Nakakapagtaka lang, pwede naman sanang simpleng kasal na lang ang idaos namin, tutal palabas lang naman ito. Sayang lang ang mga ginastos niya. Gusto niya lang namang ipakita sa pamilya niya na lalaking-lalaki siya, para hindi siya pag-isipan ng mga ito ng kung ano pa man.
Kunsabagay, barya lang naman ito sa kanya. At kung isang simpleng kasal lang ang gagawin niya, baka mas lalo pa siyang pagtakhan, dahil ang lahat ng kasal ng bawat miyembro sa pamilya nila ay napaka-engrande.
Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim. Pagpasok ko sa hallway ay napahinto naman ako nang bigla kong makasalubong si Claude na kalalabas lamang din ng men's restroom. Napatitig din siya sa akin at kaagad na ngumiti.
Lumakas kaagad ang t***k ng puso ko. Ganito pa rin ang epekto niya sa akin kahit mahigit anim na taon na ang nakalilipas simula noong ikasal siya kay Roxanne. Akala ko talaga, buhat noong maghiwalay sila ng una niyang girlfriend na si Athena ay kami talaga ang nakatadhana para sa isa't isa. Pero isang malaking akala lang pala 'yon. Isang malaking kahangalan ko ang umasa sa kanya.
Tuluyan na kaming nakalapit sa isa't isa. Binigyan ko rin siya ng munting ngiti na alam kong pilit lang.
"Big congratulations again," bati niyang muli. "I never saw this coming... seeing you here, especially with how things turned out. Honestly, I wasn't the only one surprised—everyone else was too... May pagkamalihim pala itong pinsan namin. Bigla-bigla na lang ibabalitang magpapakasal na pala siya." Ngumiti siya ng matamis, at ramdam ko naman na nagbibiro lang siya.
Hindi ko malaman kung paano sasagot sa mga sinabi niya. Alam niya noon pa man na mahal ko siya, at marami na rin kaming pinagsamahan. Baka ... iniisip niya na dahil hindi kami nagkatuluyan ay binalingan ko na lang ang pinsan niya. Di kaya iniisip niya na, yaman lang nila ang gusto ko?
"Umm, s-sa tingin mo ba, hindi ako nararapat sa kanya?" kabado at naiilang kong tanong sa kanya.
Lumarawan naman ang gulat sa mukha niya. "What? No, of course not. You're more than welcome in the family. And I'm so happy you've found someone who makes your heart and life shine brighter."
Hindi naman ako nakasagot. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Kung alam mo lang. Walang ganun. Hindi ito ang pangarap kong kasal para sa sarili ko.
"By the way, you look absolutely beautiful in your dress. It suits you perfectly." Lumibot ang paningin niya sa kabuuan ko.
Pinamulahan pa rin ako ng pisngi, kahit hindi naman ako ang pinakamaganda sa paningin niya. Pinangarap ko noon na magsuot nito, pero sa kanya dapat ako magpapakasal. Pero iba ang nangyari.
"Thank you," mahinang sagot ko na lang. Pinilit kong palaparin ang ngiti ko.
Muli naman siyang ngumiti. "Drake may act like a kid sometimes, but his heart's in the right place. He's lucky to have you, and I know he'll make you happy. Kapag pinaiyak ka niya, sabihin mo lang sa amin. Kami na ang bahala sa kanya." Tinapik-tapik niya ng marahan ang balikat ko.
Natawa naman ako ng mahina. Isip-bata talaga ang taong 'yon. Hindi naman ako iiyak sa kanya, no, pero 'yong pagmamahal para sa akin? Nah, walang ganun. Never mangyayari 'yon. "Sige, salamat ulit. Gagamit lang ako nang—" Bigla akong napahinto nang may humawak nang mahigpit sa braso ko.
Napalingon akong bigla kay Drake na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa amin, at ngayo'y salubong na ang mga kilay. "Kaya naman pala ang tagal mo. Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo? Bakit nagmamarites ka na dito?"
Biglang tumawa ng malakas si Claude. "Are you jealous of me, cousin? Don't worry, she's all yours," aniya kasabay nang pagtapik niya sa balikat ng pinsan niya. "Maiwan ko na kayo. Alalayan mo 'yang bride mo, baka madapa." Kaagad na rin siyang tumalikod at iniwan kami.
"I'm not jealous! Why would I be jealous?!" pahabol na sagot ni Drake sa pinsan niya.
Mas lalo namang lumakas ang pagtawa ni Claude habang patuloy na naglalakad palabas ng hallway. Pero hindi na niya kami nilingon pa. Akala niya siguro ay nagkakaila lang si Drake, katulad na nang nakagawian ng mga lalaki. Hindi maaming nagseselos sila.
Paano naman magseselos ang baklang 'to? "Ayst!" Napaismid na lamang ako at kaagad na inagaw ang braso ko mula sa kanya. "Bumalik ka na do'n!" utos ko sa kanya habang nagmamadali sa paglalakad patungo sa girl's restroom.
"Hey! I'm warning you, Niks! You're married now, kaya tigil-tigilan mo na ang pakikipag-usap sa ex-lover mo! Ano, umaasa ka pa rin sa kanya?!"
Napanganga akong bigla sa mga sinabi niya. Nilingon ko siyang muli. "Ano'ng pinagsasasabi mo at ano'ng pakialam mo? Umaarteng husband na nagseselos? What the heck? Hindi bagay sa 'yo." Inismiran ko siya bago tuluyang pumasok ng restroom.
Ngunit bago 'yon ay naaktuhan ko pa ang pagbabago ng ekspresyon niya. Nagdilim bigla ang anyo niya na parang nangangalit na bulkan.
Ano'ng inaarte-arte niyang bakla siya? Tsk. Isinara ko na kaagad ang pinto at ikinandado. Kamuntik pa akong mapatalon sa gulat nang kalabugin niya ito ng malakas mula sa labas.
"Baliw." Kaagad na akong dumiretso sa isang cubicle at umihi.
Mabuti na lang at maingay sa bulwagan. Hindi naman nila siguro narinig ang pagsisigawan naming dalawa dito.