CHAPTER 58: Lesson One: Lakas, Talino, at ... Tib0k ng Puso?

1988 Words

Lea Adino NOONG UNA ay halos hindi ko alam ang gagawin sa tuwing may tatawag. Parang nagbubuhol-buhol ang dila ko at hindi ko malaman kung paano maayos na sasagot. Minsan ay natitigilan ako, at sa ilang pagkakataon ay muntik ko nang maibaba ang telepono at hindi sinasadyang maputol ang tawag. Dahil dito, tuwing may bakanteng oras ay pinagsasanayan ko ang pagsasalita nang mag-isa, paulit-ulit na inuulit ang mga tamang linya para hindi na ako mataranta sa susunod. Ginagawa ko rin ang technique na inhale-exhale para kumalma ang sarili ko at mabawasan ang kaba. Alam kong normal lang ito—parte ng adjustment phase ko bilang personal assistant. Sa totoo lang, parang secretary na rin yata ang trabaho ko, pero dahil bago pa lang ako, sinusubukan ko pang i-navigate ang lahat ng dapat kong gawin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD